Una

28 3 20
                                    

"Ina, nasaan po si Papa?" nilingon ko ang nagmamanehong si Ina na tutok na tutok ang atensyon sa daan.

"Nasa orphanage na ang Papa mo. Inaantay na tayo. May ipapakilala siyang bagong mga bata sa'yo." nilingon niya ang gawi ko at nagbigay ng isang ngiting medyo kakaiba.

I cringed with that thought. Simula nang umalis ang mga dati kong kaibigan sa orphanage ay parang ayaw ko nang makakilala ng bago. Kasi alam ko na balang araw, ay iiwan rin nila ako.

"Anak, meet Devon, Glacier, Fiona, and Hanna." itinuro ni Ina ang mga batang sa tingin ko ay kaedad ko lamang. Mistula silang takot na takot sa amin. Nakakatakot ba ang itsura ko?

Alam kong hindi maipinta ang aking mukha ngayon. Kahit ayaw kong mapalapit sa kanila ay naiinis pa rin ako dahil mukhang ayaw nila sa akin. Sino ba naman kasing gustong ayawan siya ng mga taong hindi pa siya kilala.

"Hija, ikaw na ang lumapit sa kanila. Makipagkaibigan ka, gaya ng dati mong ginagawa." Tiningala ko si Papa na tumayo mula sa isang mababang lamesa na may ilang batang babae na mukhang mga nagdodrawing.

I can't disobey my father that's why I take a step towards them and lend my hands for a shake. I smiled at Devon, he took my hand and smiled back.

"I'm---." bago ko pa masabi ang pangalan ko ay napasigaw na ako sa sobrang sakit. Agad na narinig sa buong silid ang malakas na pag-iyak ko. Napakasakit!

May tumusok na lapis sa kanang braso ko habang magkahawak ang kamay namin ni Devon! Umalingawngaw ang sigaw nina Papa at Ina kasabay ng walang tigil na pagtagas ng dugo mula sa aking balat.

"Glacier!"

÷÷×÷÷

Agad kong inimulat ang mga mata ko. That was thirteen years ago! Pero parang kahapon lamang nangyari dahil naaalala ko pa lahat.

Tiningnan ko ang kapansin-pansin na pilat sa aking kanang braso. At agad kong napansin ang puting tela na mahigpit na nakapulupot sa wrist ko, may bahid ito ng dugo.

Agad na tumulo ang luha ko at tila wala na itong balak tumigil. Nasapo ko ang mukha ko at nakaramdam ng sakit sa kaliwang pisngi.

Sino ba kasi ang walang-hiyang sumampal sa akin kanina? Ang sakit ng pisngi ko.

Pinunasan ko ang luha sa aking mukha gamit ang puting tela sa may wrist ko. Nilibot ko ang aking paningin, nandito pa rin ako, sa rooftop ng isang abandonadong building. Nakasandal sa pader at nakaupo sa sahig.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung magiging masaya ba ako dahil buhay pa ako o kung maiinis ba ako kasi ang sakit ng mukha ko. Sino ba kasing..

Tumayo ako para pagpagan ang suot ko. Tumingala ako sa langit at tila nakikisabay ito sa nararamdaman ko, makulimlim at mukhang handa ng magbuhos ng ulan o di kaya, bagyo.

Nasa dibdib ko pa rin ang kabigatan na para bang ako na ang pinakaproblemadong tao sa buong mundo. Pero sa totoo lang, wala akong problema.

Natawa ako sa naisip ko. Siguro nga ay nababaliw na ako.

Yumuko ako para tingnan ang aking pupulsuhan. Wala na akong maramdaman, literal. Wala naman talaga akong balak kitilin ang sarili kong buhay, alam ko iyon. Kahit pa iba ang idinidikta sa akin ng utak ko.

Nais ko lang kung may nararamdaman pa ba ako. Ano bang nangyari? Ano ba itong nangyayari sa akin? Namalayan ko na lang na napaupo na pala ulit ako at umiiyak.

Wala akong magawa. Ang hirap, ang hirap-hirap. Ni hindi ko alam kung anong dahilan ng paghihirap ko. Ni hindi ko alam ang pinagmulan ng sakit sa puso ko.

AlikabokWhere stories live. Discover now