Ikatlo

27 3 2
                                    

"Glacier!" Umalingawngaw ang sigaw ni Miss Imelda sa buong hallway.

Kapapasok ko pa lang sa main building ng orphanage ay ito na agad ang bumungad sa akin. Nakita ko si Miss Imelda na humahangos ng takbo palabas ng isang kwarto.

Nang makita niya kami ni Papa ay agad nanlaki ang mga mata niya. " Director!" pagtawag niya kay Papa. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa amin.

"Miss Imelda, anong nangyari?" mahinahong tanong ni Papa.

Napakamot ng ulo ang babae at hindi na maipinta ang mukha, "E, kasi po. Kanina habang nasa klase sila ay tinukso siya ng ibang mga bata na pipi raw siya. Nung una po ay hindi ko pinansin dahil mukhang okay lang naman sa kanya. Tapos pagkatapos ko pong magsulat sa blackboard, wala na siya. Hindi rin po napansin ng ilang mga bata na biglang nawala si Glacier."

Nakatigin lang ako sa kanilang dalawa. Pinapanuod ang bawat ikikilos nila. Si Papa ay tahimik na tila nagi-isip habang ang babae ay palingon-lingon lang sa paligid.

"Hindi makakalabas ng orphanage si Glacier. Hanapin niyo siya sa buong vicinity. Bilisan mo, sabihan mo ang lahat." mahinahong sabi ni Papa.

Tumango na lamang si Miss Imelda bago tuluyang tumakbo palabas.

"Papa, mute po ba talaga si Glacier?" tanong ko kay papa.

Niyuko niya ako bago umupo upang magpantay ang aming tingin. "Actually Hija, hindi siya pipi. Nakausap pa namin siya nang mapunta siya dito. Nakikipagpag-usap pa nga siya sa iba e. Pero nung makita---" natigilan si Papa at nag-iwas ng tingin.

"Diyan ka na muna, makipaglaro ka muna sa mga kaibigan mo. Tutulong ako sa paghahanap kay Glacier." aniya bago tumayo upang iwan akong mag-isa sa malawak na hallway.

I pouted. I don't want to play with other kids here anymore. So, I decided to go sa may likod na bahagi ng vicinity ng orphanage, where Saph and I used to play.

"I miss Saph." I murmured when I get in the place.

I looked at the surroundings and remembered every single thing that Saph and I did. How we played above the tree. How we sat under that big tree. I miss her so much.

Saphia is my best friend who got adopted months ago. She promised to visit me when she had time but until now, she hadn't.

I sighed. I walked around the area and to my surprise I saw someone sitting near the brick-fence of this facility. In front of him is a broken ladder. O my gash! Did he fall?

"Excuse me." I tried to catch his attention.

And when he looked back, my heart pounded so fast. That blue eyes.

"What are you looking at?" singhal niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.

I was so stunned that I was only able to say, "You really are not mute, Glacier."

==++==

I am still dumbfounded because of that cute magtataho. Yung mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw are quite bothering. How come there's someone who knows what I'm about to do? Lych, it's creeping me out.

Nawawala na nga yata talaga ako sa sarili ko.

Palakad-lakad na lang ako hanggang sa mamalayan kong nasa tapat na pala ako ng bahay namin. I was really preoccupied.

Pagkapasok ko pa lamang ay may kakaiba na agad akong naramdaman. Nalulungkot na naman ako na hindi. Hindi na naman ako mapakali na hindi. There's something that keeps on bothering me but I don't know what it is.

Habang paakyat ay nakasalubong ko si Ina na bihis na bihis sa kanyang white dress at black stilletos.

"O, nandiyan ka na pala. Saan ka galing?" pareho kaming tumigil sa paglalakad upang makapag-usap, kahit may parte sa akin na ayaw.

AlikabokWhere stories live. Discover now