Chapter 9: First Day Failed

3.5K 162 28
                                    

This chapter is dedicated to zomagicmioro.

----

Akira's Pov

"Hoy! Anong tinutunganga-tunganga mo dyan?! Halika nga dito!" Sigaw ko kay Steph na busy.

"La kang pake!" Sigaw rin niya pabalik.

"Yan! Babangayan kayo! Hay naku!" Napahilamos ng mukha si Nathan sa amin na busy kakakain.

"WALA KANG PAKE!" Sabay na sigaw namin ni Steph kaya napangisi na lang ito sa akin. Nanlalaki ang mata ni Nathan nung kami ay sumigaw sakanya kaya napatigil siya sa pagkain nito at animo'y iiyak ng wala sa oras. Napailing na lang ako sakanya.

"Let's take a break first." Wika ni Miguel at agad siyang lumabas ng training room. Nagpunas ako ng pawis sa aking katawan at nang matapos ay naglakad ako palapit kina April na nag-aayos. Kahit kailan talaga itong babaeng ito.

Nang matapos ay lumabas na rin kami ng training room at nagpunta sa tambayan namin. Well, nage-ensayo lang naman kami kaya kami nasa training room. Yun ang ginagawa namin kapag walang guro ang nagpupunta sa classroom namin at tsaka kung pupunta sila ay ituturo lang sa amin kung paano namin kontrolin ng maayos ang aming mga kapangyarihan. Pero kadalasan naman ay nagdi-discuss sila sa amin. 

Kumuha ako ng makakain sa ref at binigay sa aming chef na si Cedric. Tinulungan ko rin siya sa ibang mga bagay katulad ng paghihiwa ng sibuyas na palagi na lang akong pinapaiyak tsaka kung ano-ano pa. Ilang sandali lang ay natapos na siyang magluto at pumasok sa kusina si Kath na tumulong sa amin. Tinawag ko na sila upang kumain ng pananghalian dahil alam kong kanina pa dila gutom maliban na lang kay Nathan na habang nagtra-training ay lumalamon. Pero dahil sa katakawan niya ay siya pa rin talaga ang nangunguna.

Nakakailang subo pa lang ako ay napatigil ako dahil may iba akong nararamdaman. Mukhang ganun din ang iba dahil biglang tumahimik ang paligid. Sabay sabay kaming nagkatinginan at daling lumabas ng tambayan at sinundan ang malakas na awra. Napadaan kami sa hallway kung saan nay mga estudyanteng nagsisitakbuhan kaya napakunot ang noo ko. What's happening?

"Hi Miss! Matanong lang anong meron at nagsisitakbuhan kayo?" Tanong ni Kurt sa babae at yung babae naman ay namula at halatang kinikilig. Naku!

"Ah! M-may b-binubully po n-ngayon si S-Shaira sa c-cafeteria." Utal utal na sambit ng babae habang hindi makatingin sa amin at namumula pa rin ang mukha.

May binubully na naman yung babaeng yun? Kahit kailan talaga! Napaka!

"Sino na naman ang binubully niya?" Tanong ni Van na nananahimik sa isang tabi.

"M-mga b-baguhan po P-Prince V-Van."

May mga baguhan? Ba't hindi namin alam? Nagkatinginan kaming lahat. Sinong mga bagong estudyante?

"Sige makakaalis ka na. Salamat." Akira thanked the girl and leave already.

Sabay sabay naming tinahak ang daan papunta sa cafeteria at habang papalapit kami ay mas lalo kong nararamdaman ang malakas na aura. Bumibigat din ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan. Iba itong pakiramdam na ito. It feels so dangerous and dark. Ganito ang nararamdaman ko kapag—

*BOGSH*

"Shit!"

"Fvck!"

"Damn!"

Halos sabay sabay kaming napamura dahil sa eksenang nangyari. Biglang nawasak ang pintuan ng cafeteria dahil sa lakas ng pagkakatama ng babae. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi namin makita ang kanyang mukha. Akmang tutulungan siya ni April nang bigla siyang tumayo na parang walang nangyari at naglakad palapit kay Shaira na ngayo'y seryoso ang mukha.

The Legendary Twins (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon