Chapter 27: Avoiding

2.6K 84 24
                                    

Skylar's Pov

"What happened here?" HM asked to us.

Nandito pa rin kami sa field at saktong dumating sila HM ay tapos na ang laban. Medyo may sira na ang field dahil sa mga pinaggagagawa ng mga demonyo at ang sinasabi nilang taga Dark Academy. Well wala akong alam masyado sakanila pero isa lang ang sigurado ako, kaaway ng Academy iyon.

"Inatake ang Academy, HM. May apat na estudyante na taga Dark Academy at may tatlo silang kasamang mga demonyo." Paliwanag ni Mica sakanya. Halata pa rin sa mukha nito ang pagmugto ng mata pero hindi niya ito pinansin.

"Sa kasamaang palad, hindi natalo ang mga ito at basta na lang sila umatras." Sabi din ni kambal sakanila.

Napatingin ako sa mga Royalties at nakikinig naman sila. Napansin ko na wala siya. Hindi ko siya nakita simula kanina. Pero bakit ko siya hinahanap? Hay naku. Wala akong pake sakanya kung nandito man siya o hindi.

Mukhang napaisip naman si HM sa sinabi nito at basta na lang siya umalis at iniwan kami dito. Nandito na rin ang maintanance ng Academy at kasalukuyan nilang inaayos ang field na nasira dahil sa atakeng nangyari.

"Tara sa clinic." Sabi ni Akira at sumunod kami sakanya.

Inaamin ko na hindi basta basta ang mga sumugod dito. Malalakas sila pero hindi ko magawang talunin ng ganung kadali.

"Hala! Yung ID ko nawawala!" Hysterical na sabi ni Joan kaya napatingin kami agad sakanya. Kinakapkap niya ang kanyang mga bulsa pero wala.

"Hindi kaya naiwan mo sa dorm?" Tanong ni April.

"Hindi po, Princess. Dala dala ko ang ID ko." Sabi nito.

"Ipapapalit na lang namin ang ID mo, pero sa ngayon kailangan niyong madala sa clinic dahil sa mga natamo niyong sugat." Bahid sa tono ni Miguel ang pag-aalala.

Wala na kaming nagawa kaya pumunta na agad kami sa clinic at ginamot ang mga sugat na natamo namin. May mga ilang pasa na nakuha ko dahil sa pagkakasapak ng isang babae sa akin. Yun lang naman ang natamo ko pero masakit pa din. Buti na lang effective ang gamot na iniligay nila kaya hindi masyadong masakit at pasa na lang talaga.

Si kambal naman hindi masyadong nasaktan dahil magaling yan eh. Magaling umiwas. Hahahaha. Panay ang iwas pero lumalaban din naman siya. Si Mica siya ang maraming natamo na sugat. May cut sa pisngi niya pero hindi ganun kalalim buti naagapan kung hindi baka sakaling mainpeksyon iyon.

Habang si Joan naman, ayun tulala. Bukod sa pagkakasakal sakanya ay wala na ibang sugat na natamo at yun lang. Buti nga yan lang natamo niya eh. Mukhang mabait ang nakalaban niya. Hahahhaha!

"Mica?"

Lahat kami ay napatingin sa may pinto. This guy is familiar, I knew it. He's here and worriedly look at her. I smirk and looks like he listen to me.

Napatingin ang iba sa amin and I signaled them na lumabas muna para makapagusap silang dalawa. Moment nila ito kaya pagbigyan natin sila.

"Labas muna kami ah?" Hindi sumagot si Mica at iniwas lang ang tingin.

"T-teka, san tayo pupunta?" Tanong ni Nathan at mukhang hindi gets ang sinabi ni Joan.

Hinila naman ni Steph ang tainga nito kaya napa-aray ito sa sakit. Ouch. Ako ang nasasaktan dun ah.

"Sa lugar kung saan tahimik." Sagot ni Steph.

"Ikaw ah! May pagnanasa ka talaga sa akin. Ts—ARAY! ARAY, ARAY! Hindi ka nagnanasa! Pucha bitaw!"

The Legendary Twins (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon