Chapter 46

1.6K 59 6
                                    

Ashley's Pov

"Wait, you're telling us that kid is the book of prophecy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chloe habang nakatayo at tinuturo niya si Rian na natutulog sa hita ni Sky.

"Yeah," pagod na sagot ko. Gulat pa rin silang lahat hanggang ngayon.

"Woah, that's unbelievable. I mean, paano naging isang libro ang isang bata? Is she a curse or what?" Napapakamot na lang sa ulo si Wayne.

Pare-pareho kaming nakaupo sa isang trunk ng puno habang sa gitna naman ay may apoy ay ito ang nagsisilbi naming ilaw ngayong gabi. Naghunt ang mga boys ng mga hayop para maging pagkain namin at todo reklamo pa sila kanina sa pinagawa nila Steph. Pero dahil sinabi na rin ni Miguel ay mas lalo silang walang magawa.

Bukas ng umaga kami aalis dahil kung ngayon ay mas delikado dahil gabi. Tungkol sa mga guradrians ng bundok? They are real.

"You sure that you okay?"

"Yes. Wala naman nangyari. Pwede bang kalagan niyo sila Mica at Joan?"

Napatingin ito sa dalawa at bahagyang nakayuko habang nakatali ang mga kamay nito. Kanina pa sila nandyan at tahimik. Nasa tabi nila si Calix na nagbabantay.

Napabuntong hininga ito. "You can't? 'Cause you thinking that they are traitors? Come on, kaibigan ko sila. Kung ganyan ang trato niyo, we better leaving. Sky let's go, gisingin mo si Rian. Kakausapin ko si Calix."

Tumango ito at ako naman ay tumayo na rin para puntahan si Calix na nakapikit ang mata. Bago pa man ako makalapit sakanila ay naramdaman ko na lang ang paghawak nito sa braso ko.

"You're not going to leave." Seryosong wika nito sa akin.

"Yes, I am." Matigas na sambit ko at binawi ang braso sakanya.

Bahagyang napamulat ang mata ni Calix nang makalapit ako sakanya. Sinenyasan ko siya at mukhang nakuha ang nais kong sabihin. Inayos ko na rin ang mga gamit namin para sa pagalis. Kahit alam kong delikado ang pagalis namin kung ganito ang trato nila sa kaibigan namin, mas mabuti na lang na umalis na kami. Nakakahiya naman kasi sakanila.

Sila Mica at Joan, sila ang mga unang nakilala namin dito sa mundong ito. Sila ang lumapit sa amin para makipagkaibigan. Sila ang nandyan palagi kahit medyo hindi namin sila nakakasama, nandyan pa rin sila. They were our first friend actually. Nagtiwala kami sakanila at naging parte ng buhay namin.

"Prince Miguel, we are leaving."

Pagtataka ang gumuhit sa mga mukha nila. Wala akong pake.

"Teka, bakit?" Tanong ni Chloe at napadako ang ilan sakanila sa gawi nila Calix at nanlalaki ang mga mata.

Napatayo sila Kath at naglabas ng sandata at naging alerto sila.

"Bakit niyo sila pinakawalan?!" Sigaw ng clown at lumalabas ang ugat nito.

They really think that my friends are fucking traitor? They are shits!

Pinakalma ko ang sarili ko.

"Kaibigan namin sila. Anong mali dun?" Kalmadong tanong ko.

She gritted her teeth. "Anong mali?! Ang mali pinakawalan mo sila! Mga traydor sila! Tray—"

"Say that again and I won't hesitate to cut your throat." Pagbabanta ko dito at tinutukan ng espada sa leeg. Sinamaan niya ako ng tingin pero mas binigyan ko ito ng tingin na kailanman hindi niya malilimutan.

The Legendary Twins (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon