Chapter 15: Vivory Forest

3.3K 128 6
                                    

Skylar's Pov

Nagsimula na kaming tumakbo sa madilim na kagubatan at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag. Nangunguna ang prinsipe samantalang ako ay nakasunod lang sakanya. Simula nung napadpad kami dito sa lugar na ito ay hindi ko na nakita ang kakambal ko. Kasama naman niya ang isa pang prinsipe na pinaglihi sa yelo kaya okay na ako dun.

Sa totoo lang naiinis ako, ewan ko kung bakit. Dati hindi ako ganun kadali mainis pero ngayon...simula nung makilala ko itong prinsipe na ito kumukulo na ang dugo ko sakanya. Tapos ngayon siya pa ang partner ko. Like seriously? Kung pwede lang makipagpalitan ng partner kanina ko pa ginawa. Bakit kasi by partner ang ginawa ni HM? Di ba pwedeng solo flight na lang?

He stopped from running so I stopped also. Nakaramdam ako ng kaluskos sa paligid kaya naging alerto ako. Nang nararamdaman kong nay susugod sa likuran ko ay agad akong umiwas. What the hell is that?

Tumingin ito sa akin and it roared before attacking me. Una kong napansin ang pula nitong mata at naglalaway pa ito. Ewww! Kadiri! Hindi ba siya tinuruan ng right manners? Isa itong tigre na naglalaway at mukhang gutom. Hindi ba siya kumakain? Naka-drugs ba ito?

Nung umatake ulit siya sa akin ay hindi na ako nagdalawang isip na patayin ito. Tumalsik naman sa akin ang mga dugo nito na agad kong pinunasan.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Masungit na tanong ko sakanya at umiling naman siya tapos lumapit sa akin at inabutan ako ng panyo.

"First stage pa lang pero ang dugyot mong tingnan. Eto panyo ng luminis naman mukha mo."

Aba! At talagang tinalikuran lang ako! Tapos ganun sasabihin niya?! How dare him!

"Excuse me lang ah! Sana ikaw na lang nakipaglaban doon sa pesteng tigreng walang manners!" Inis na sambit ko at nagpapadyak sa inis tapos inunahan ko siya sa paglalakad. I heard him chuckled and that made me stop.

He sounds so manly when he chuckled. What the hell ate you thinking Skylar?! Damn it!

Nakahabol kaagad siya sa akin at inakbayan niya ako kaya napatingin ako sakanya na diretso lang ang tingin habang naglalakad kami. Agad kong tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin at inunahan ko ulit siyang maglakad pero agad niyang hinigit ang braso ko at nagtungo sa isang sanga ng puno. Bale nasa taas ulit kami ng isang puno. Napatingin ako sakanya na ang seryoso ngayon ng mukha niya hindi katulad kanina tapos napadako ang tingin ko sa kamay niya na hawak ang kamay ko.

Kikiligin na ba ako? O hindi?

Hindi na lang.

"They're here." Mahinang saad niya na ako lang ang nakaririnig.

Sino?

"Sino ba ang tinitingnan mo dyan?" Tanong ko sakanya at tinitingnan ang tinitingnan niya.

May tatlong anino akong nakikita mula dito sa taas. Hindi ko rin sila makita dahil madilim ang paligid at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag. Tinuro niya ang mga ito.

Sino ba sila? Magsasalita sana ako ng bigla siyang nataranta.

"Shit! They saw us!" Mahinang sigaw niya sa akin.

"Are you really a prince?"

Pinandilatan niya ako ng mata. "What did you said?"

Nagkibit balikat na lang ako pero agad niya akong sinandal sa pader. Wait, I knew this scene. Deja vú.

"Ulitin mo ang sinabi mo." Madiin niyang sambit sa akin at ngumisi lang ako. Did I pissed off the prince?

The Legendary Twins (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon