Chapter 22: Meeting with the Council

3K 104 6
                                    

Stephanie's Pov

"Steph pwede bang maupo ka muna? Nahihilo na ako sayo eh."

"Sino ba nagsabi sayo na sundan mo ako ng tingin ha, Nathan?" Iritableng sabi ko sakanya habang kumakain naman siya.

Dyan siya magaling, lumamon ng lumamon. Tsk!

"Nathan is right. Umupo ka muna at hintayin muna natin sila." Mahinahon na saad ni Miguel na nakaprenteng nakaupo. Bumuntong hininga na lang ako tsaka umupo pero kinakabahan pa rin ako.

Kinuha ko na lang ang pagkain ni Nathan at kumain na rin. Pangpawala ng kaba. Dumating sa amin agad ang balita na inatake ang amusement park ng isang demonyo kaya agad kaming nagpunta dito. Pero ang naabutan namin sa dorm ay ang tahimik at wala sila Sky at Van. Lahat kasi kami umuwi. Tapos si Ash naman ay umalis, hindi namin alam kung saan siya nagpunta at hanggang ngayon ay wala pa din siya.

Nagaalala na ako sakanila. Nabuhayan naman ako ng loob ng bumukas ang pinto pero nanumbalik ang kaba ko.

"What happened? Where's Sky?" Ashley asked when she enter the room.

"Nagkaroon ng gulo sa amusement park tsaka nandun din si Sky may kasama ata. Then si Van, sinundan si Sky." Explain ni Akira kay Ash at tumango lang ito na parang walang pakialam.

"Seriously? Wala lang sayo? Demonyo ang pinag-uusapan dito, Ash." Pabirong sabi ni Kurt sakanya.

"Nah, she can handle herself." Walang ganang saad nito tsaka pumasok sa kwarto niya. Laglag panga kami dito.

"Wow! She's unbelievable!" Ced commented and we just agreed on him.

Tumahimik kami ulit at hinihintay namin na dumating sina Van. Makalipas ang ulang minuto ay biglang bumukas ang pinto—I mean may nagbalibag dito kaya napunta ang atensyon namin dun.

Agad kaming napatayo sa gulat at pag-aalala kahit na sabihin natin na kaya nila yun. Buhat buhat ni Van si Sky na walang malay.

"Anong nangyari?" Agad na tanong ko at inayos ang sofa tsaka niya nilapag si Sky dun.

"Inatake ng demon ang amusement park and that child is a freaking demon!" Pagsigaw ni Van na ikinagulat namin.

"And the worst part is kamukha ni Sky ang batang iyon." Tama lang na narinig namin pero what?!

"What did you just said?"

"Ash..."

Nanlilisik ang mga mata ni Ash, hindi ko alam kung anong problema niya at ganyan siya makareact. Bigla niyang kinuwelyuhan si Van at nagulat kaming lahat. Tapos si Kath ay tinutukan ng espada si Ash pero parang walang pakialam si Ash.

"Ulitin mo ang sinabi mo." Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Sobrang lamig ng boses niya.

"Ash, calm down and put Van down." Kalma na sabi ni Ice pero hindi ito pinakinggan bagkus biglang nagkaroon ng apoy ang paligid. Damn!

"Uulitin ko—"

"Kamukha ni Sky ang bata na naging demonyo. Shit!" Biglang binalibag ni Ash si Van tapos si Kath ay akmang susugurin si Ash pero agad humarang si Ice.

"Don't you ever dare, Kath." Malamig na saad ni Ice at nanlalaki ang mga mata nito.

"What?! She is trying to kill Van at siya pa ang pro-protektahan mo? You're unbelievable!" Inis na sigaw ni Kath kay Ice. Lumapit si Kurt kay Kath upang pakalmahin ito ngunit biglang nagwalkout si Kath. Napabuntong hininga na lang ako.

The Legendary Twins (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon