Chapter 1

87 4 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Read at your own risk. Enjoy reading.

Isabella's POV

Nagising ako ng narinig ko ang aking telepono na tumunog, criingg-cringgg. Agad ko itong kinuha malapit sa aking tinutulugang kama. At sa oras na iyon ay lutang pa ako.

"Hello isabella?! Girl, anong oras na late ka nanaman ata nagising ano? pano yan malelate nanaman tayo sa pupuntahan natin?" malakas na sabi ni Peachy.

Biglang namulat ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi ni peachy saakin.

"Omggg? sorry peachy i forgottt aaaaaargg! Okay just give me ten mins to prepare myself, saktong kakagising ko lang talaga nung tumawag ka i'm so sorry peach." - natataranta kong sinabi.

"Hay nako friend, o sige na bumangon ka na dyan at bilisan mo na sa pagprepare okay." - sagot niya.

Si Peachy ay ang aking kauna-unahang matalik na kaibigan simula pa noong kami ay nasa elementarya pa lamang.

At pagkarinig ko sa sinabi ni Peachy ay dali-dali na kong bumangon sa aking kinahihigaan at agad akong pumunta sa banyo para maligo.

~~~~~

Pagtapos ko maligo ay namili agad ako ng aking isusuot na damit sa araw na iyon.

"Arrghh ano ba matino kong damit ang pwede ko isuot ngayon?" - taranta kong sinabi.
"Ah eto nalang." Sa araw na iyon ay nakasuot ako ng isang plaine white polo at black fitted skirt. Para naman disente tingnan ang aking suot na damit.

Matapos ko mamili ng damit na isusuot ko ay nagsuklay na agad ako at naglagay ng onting paganda sa aking mukha.
Maya-maya ay muling tumawag si Peachy. At agad ko naman itong sinagot

" Girl are you done? I'm coming na to your house ok?" - Peachy

"Okay peachy i'm almost done. Thankss bye." - nakangiti kong sinabi.

Pagtapos ko maghanda sa sarili ay lumabas na ko ng kwarto at bumaba na sa sala.

"Hey isabella, where are you going?" - tanong ni mommy.

Bigla akong napalingon, nakita ko si mommy na nagprepare pala ng breakfast para samin ni daddy.

" Ahm mom, sorry may kailangan kasi akong puntahan ngayon." - sagot ko.

"May lakad ka? Sino naman kasama mo anak?" - nakangiting tanong ni mom.

"I'm with Peachy, my bestfriend. Is that okay mom? May importante kasi kaming pupuntahan ngayon. Sorry kung ngayon lang ako nakapagpaalam sa'iyo" - sagot ko naman.

" Ah sure why not" ngumiti lamang ako ng biglang may sinabi ulit si mom. "Ahm saan naman kayo pupunta ni Peachy anak?" - dagdag niya.

"We've plan kasi na mag-enroll for aviation school or flight school and ngayon yung available na araw na open yung flight school na iyon." - Isabella.

"Oh really? Aviation school anak?" - nakangiting sagot ni mom.

" Yes mom. And diba nga yun yung sinabi ko na sainyo noon ni dad na I want to be a pilot. Like you before, right mom?" - sagot ko naman.

"Ah oo nga pala nak naalala ko palagi mo nga pala kinukuwento samin ng daddy mo yan about sa dream mong maging piloto." - masayang sinabi ni mommy.

Flight to ForeverWhere stories live. Discover now