Chapter 6

21 1 0
                                        

~~~Flashback~~~

~~Past~~

Elias POV

Pagkalipas ng 5 buwan ay nagpatuloy parin ako sa pangliligaw ko kay Bethanie, at habang tumatagal ay mas gumagaan ang loob ko kapag nakakasama ko siya araw-araw.

Sa araw na ito ay nasa isang Mall kami ni Bethanie. Napag-isipan naming mamasyal sa mall ng kaming dalawa lang dahil ito palang rin ang unang beses naming magkasamang mamasyal.
Habang naglalakad kami ay may sinabi sakin si Bethanie.

"Elias. What if mag-apply na kaya tayo sa Airline Company?" - nakangiting sabi ni Bethanie.

"Really?" - sagot ko.

"Yes. Kasi ilang months na rin yung lumipas then hindi pa tayo nakakapag try mag-apply sa isang Airline Company? And gusto ko na rin magpalipad ng eroplano. What do you think?" - sagot naman niya.

Ngumiti ako ng bahagya. At sinabi.

"Well sige if that's what you want." - nakangiting sagot ko naman.

"Really?!" - tuwang sinabi niya.

"Yeah. Basta ikaw bethanie." - sagot ko naman. "So saang Airline Company naman gusto mo pag-applyan?" - tanong ko sakaniya.

"Hmm let me think first. Wala pa kasi akong nahahanap na magandang company para don. Ta-try ko na rin na mag-search muna sa internet okay." - tuwang sinabi niya.

" Sure. No problem." - sagot ko.

At maya-maya lang ay may nadaanan kaming isang bookstore sa mall na iyon.

"Wow elias tingnan mo may bookstore oh. Tara pasok muna tayo diyan." - tuwang sinabi ni Bethanie at agad na kaming pumasok sa loob.

Habang nagtitingin-tingin ng mga libro si Bethanie ay nakatayo lang ako sa bandang gilid at hinihintay siyang matapos sa paghahanap ng mga libro.
Maya-maya rin ay lumapit sakin si Bethanie.

"Elias." - sabi niya.

"Yes bethanie?" - sagot ko.

"Kita mo to?" - tanong niya sakin.

"Yes. " - sagot ko naman.

"Sabihin mo kung ano yung nakasulat sa libro na yan?" - nakangiting sinabi niya.

Itinuro niya sakin yung nakasulat sa libro na hawak niya at binasa ko rin.

"Will you be my Girlfriend?" - basa ko.

"Yes. " - nakangiting sinagot niya.

At nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang sagot ni Bethanie.

"Yes??" - sabi ko.

"Yes Elias. Sinasagot na kita." - tuwang sinabi niya.

"Talagaaa! So tayo na bethanie??" - tuwang sinabi ko naman.

"Oo Elias tayo na!" - sagot niya.

At nagsimula na ko magsitalon-talon sa tuwa. Totoo ba to kami na! Girlfriend ko na siya!

At kita ko rin sa mukha ni Bethanie ang pagkasaya at tuwa dahil sa sinabi niya sakin.

"Yeeeesss! Were official naa!!!" - pasigaw kong sinabi.

"Elias tama na, okay na. Stop it." - pag-awat niya sakin.

"I'm sorry Bethanie hindi ko lang talaga mapigilan yung nararamdaman kong saya ngayong araw. Sobrang mahal na mahal kita Bethanie!" - tuwang sinabi ko naman.

Flight to ForeverWhere stories live. Discover now