Chapter 2

48 4 1
                                    

Flashback~~

Past~~

--Pasimula ng kuwento nila Bethanie at Elias--

Elias POV

Habang vacant namin sa oras na ito ay nagpasama muna ako kay Gabriel para sabay kami bumili ng makakain namin.
Ang iba naman naming mga batchmates ay nagsilabasan muna ng room at kung saan saan nagsipuntahan.

Nag-aaral kami ngayon ng kapatid ko na si Gabriel sa isang aviation school o flight school na Skyline Aviation School, hindi siya isang college school kundi school para sa mga aspiring pilots katulad namin, dito kami nagtra-training ng pagiging piloto, meron na kaming 1,500 flight hours na training ng kapatid ko kaya naman ilang months nalang ay gagraduate na kami dito as pilots.

"Gab tara bili tayo pagkain sa baba." - aya ko kay Gabriel.

"Sige kuya, tapusin ko lang tong ginagawa ko." - sagot naman ni Gab.

Habang hinihintay ko muna matapos si Gab sa kaniyang ginagawa ay pumunta muna ako sa banyo.

"Ay gab magc-cr muna ko ah, babalik din ako agad hindi ka pa naman tapos diyan sa ginagawa mo diba." - paalam ko kay Gab.

"Sige kuya sure." - sagot naman ni Gab.

Habang papunta ako ng cr ay may bigla akong nabangga na isang babae.

"Aaahh! " - sigaw nito.

"Sorry miss." - sagot ko.
At biglang tumingin sakin ang isang mala-anghel na mukha ng babaeng nakasalubong ko. Nagkatitigan din kaming dalawa ng ilang minuto, minamasdan ko ang kaniyang mga mata na tila parang may kumikinang.

"It's okay, no matter." - biglang sinabi nito. At sabay lumayo na siya sakin. Pero habang papalayo na siya ay hindi ko parin maalis ang mga tingin ko sakaniya.

"Oh kuya, love at first sight ba kamo?" - pang-aasar na sabi ni Gab.
At tila napatigil na ako sa pagtitig sa babaeng iyon.
"Huh? Ano sabi mo?" - naguluhan kong sinabi.

Biglang natawa lang si Gab at sabi.

"Ikaw kuya ha, gusto mo na siguro yung babae na iyon noh?" - pang-aasar ulit na sinabi ni Gab.

"Tss.. Ewan ko sayo gab." - sagot ko naman.

"Teka tapos ka na ba pumunta sa cr kuya?" - tanong ulit ni Gab.

"Ah wag na, hindi na ko nac-cr. Tara punta nalang tayo ng canteen." - sagot ko naman.
At pumunta na kami ni Gabriel sa canteen para bumili ng pagkain.

~~1 hour later~~

Bumalik na ulit kami sa room namin dahil magsisimula na ulit ang next class namin.
Maya-maya ay dumating na ang pilot instructor namin at nagsimula na rin siyang magklase. Ngunit habang nagkaklase ay hindi parin mawala sa isipan ko ang babaeng nakasalubong at nabangga ko kanina, sa tuwing nai-isip ko ang mga pangyayaring iyon ay bumibilis ang pagtibok ng puso ko at iba ang nararamdaman ko.
Maya-maya ay kinalabit ako ni Gab.

"Kuya, kuya!" - pabulong na tawag sakin ni Gab. At bigla akong napalingon kay Gab.

"Bakit?" - tanong ko.
"Tawag ka ni prof kanina pa." - sagot niya.

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng prof namin hanggang sa.

"Mr. Elias Cervantes!" - pasigaw na tawag sakin ni prof.
At bigla akong napatingin sakaniya.

"Yes prof?" - gulat kong sinabi.

"Kanina pa kita tinatawag bat di ka lumilingon?" - galit na sinabi ni prof.

Flight to ForeverWhere stories live. Discover now