Flashback~~~
Past~~
Elias POV
Pag-uwi namin ng bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto at nagpahinga muna sandali.
Paglipas ng 1 oras ay biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
~~~
"Pasok." - sabi ko."Sir pinapatawag na po kayo ng mommy mo, magd-dinner na daw po kayo." - sagot ng aming kasambahay.
"Okay i'll be there." - sagot ko naman.
Maya-maya ay bumaba na ako papunta sa kusina. Pagbaba ko ng kwarto ay naabutan ko sila mom and dad pati na rin si Gab na naghahanda ng pagkain para sa aming dinner.
"Oh elias anak. Tara na let's eat na nakahanda na lahat ng pagkain natin for dinner." - sabi ni mommy.
Tumango lamang ako at umupo na sa aming hapagkainan. At nagsimula na rin kaming kumain.
Natapos na rin akong kumain sa oras na iyon at bumalik na ulit ako sa aking kwarto. Napag-isipan kong umupo sa kama at inaalala muli ang mga pangyayari kanina ng makita ko ang babaeng iyon.
"Napakaganda niya talaga, kelan ko kaya malalaman ang pangalan niya?"- tanong ko sa aking isipan.
~~~~
Nakapasok na kami ni Gab sa Skyline Aviation at habang palakad palang kami ay may biglang lumapit saakin.
"Hii." - pagbati ng babaeng humarang samin.
Pagtingin ko sakaniya ay ang babaeng iyon nanaman ang bumungad sakin.
"Hi miss." - sagot ko sakaniya.
"Ay sorry kung hinarangan ko kayo, hi ahm gusto ko lang sana magpakilala sayo. I'm Bethanie Federico, diba ikaw yung nakausap ko kahapon tsaka yung nakadungaw sa gilid ng pintuan ng room namin?" - sagot niya.
Bethanie Federico pala ang pangalan ng babaeng iyon.
"Oo miss." - kabado ko nanamang sinabi.
"Bethanie nalang. Tutal nasabi ko naman na sayo yung pangalan ko. Ikaw ano naman pangalan mo sir?" - nakangiti niyang sinabi.
At tila sa tuwing ngumingiti siya ay mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
"Ahm I'm Elias...Cervantes" - sagot ko naman sakaniya.
"Ah Elias Cervantes pala name mo. Gusto ko sanang sabay tayo mamaya sa vacant time? Free ka ba non? Gusto ko lang sana ng makakasama sa oras na yon." - tanong ni Bethanie.
"Oh kuya inaaya ka niya mamaya. Sabay daw kayo oh, pumayag ka na kuys." - sabat naman ni Gab.
"Ah.. sure. No problem Bethanie." - sagot ko na tila nahihiya pang kausapin si Bethanie.
"Ayannn!! Sigeee I'll see you later okay." - tuwang sinabi ni Bethanie.
Sabay lumakad na ito papunta sa kanilang silid.
"Aba kuya tingnan mo nagpakilala pa mismo sayo yung Bethanie na yon." - tuwang sinabi rin ni Gab.
"Totoo ba yon? Wow.." - tila hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang.
"Tignan mo kuya, edi hindi ka na nahirapan magtanong sa kaniya kung ano pangalan niya, mismo siya na yung nag-adjust saiyo." - patawang sinabi ni Gab.
Ngumiti na lamang ako at umalis na rin kami papunta sa room.
~~~~
--Vacant time--"Ah Gab, mauna na ko saiyo ah, alam mo naman na kung saan ako pupunta diba." - paalam ko kay Gab.

YOU ARE READING
Flight to Forever
FanfictionA woman named Isabella Federico Avery has a long dream of becoming a pilot like her mother but she has many questions in her mind about her mother's past, and one day she will meet a man who will give her a way to know the truth of her mother's past...