Chapter 12

74 3 1
                                    

Nicolai Montefiore-

Mga tao pa ba ang mga kasama ko?? Mga sanggano na yata sila ilan na lang ang tao pa. Sobrang bully nitong si Seb dahil tinakot nya yung nang-bully kay Anastasia para umalis ito sa basketball team. Siguro okay lang yun pero yung mga kabalbalan nya sa ibang bagay ay hindi. He's a certified bad boy at pag sinamahan pa ni Nate ay nagiging villain sila. I can understand kung bakit over protective si Marco sa pinsan nya at sa mga kaibigan nito.

And I can see the changes in Seb. He's showing his soft side at mukhang he fell hard for the girl. Pero alam kaya nyang may obsess na stalker si Anastasia? Stupid question! Speaking of which bigla nalang nawala yung spooky feeling pero may pumalit naman na spooky teacher si Sir del Rosario, substitute teacher sa English dahil naka maternity leave si Mam Dawn.

"Sa tingin mo anong nangyari kay Kevin?? Hindi na sya pumasok pagkatapos nyang mabugbog at alisin sa basketball team ni Seb... ayaw rin namang sabihin ni tanda (headmaster) kung anong nangyari.." Clark.

"I don't know..." I said pero may kutob ako kung anong nangyari kay Kevin. Maybe he already dropped out?

"Shit man!! Ang swerte natin pre! Ang gaganda ng mga bebot!!" Ayan nanaman ho ang kapatid ko! Naglalaway pa! God it's indecent. How will Mika learn to like him if he's like that??

"Tayo o ikaw??" Clark.

"Pre naman" Nate.

"Change of topic.... I'm curious kung anong nangyari kay Kevin.. Seb may alam ka ba??" Tanong ko kay Sebastian.

"Anong pake ko dun sa lalaking yon baka patay na!" walang matinong sagot talaga 'tong si Sebastian.

Psssh makaalis na nga lang. Wala naman akong mapapala sa mga 'to.

****

Naglilibot ako sa plaza nang mapa daan ako sa isang ice cream parlor. Then I saw the certain someone that I can't keep out of my system. I wouldn't let this one slip away kaya pumasok ako sa parlor na iyon. Nakasubsob sya sa lamesa at naiwang bukas ang laptop nya. Tama bang gawing tulugan ang ice cream parlor? I stared at her sleeping face.

God why does she always look so ravishing? I kept on pushing away all other opportunities for a good catch just because I can't forget about her.

She's the kind of girl who makes people dance in her palm. Men go crazy after her not just because she's rich but because she possess that kind of beauty no one can resist. That dominant authority and the strange charisma lures and challenges every men she encounters. She's just too thick-skinned to notice. At isa AKO sa mga biniktima nya.

"Bloody heaven of muffins... bakit nandito ka nanaman?" she scowled at me. Sa wakas gising na sya.

"Para makita ka??" pamimilosopo ko.

"Nang aasar ka ba?? Busy ako kaya shoo na shoo!" pagpapaalis nya sakin na parang aso ako or something.

"Really? Then why did I see you a few minutes ago sleeping and drooling on the table?" Pagtataas ko ng kilay sa kanya.

"I-I'm practicing the art of procrastination!!" wow lalim ha nakaka nosebleed. Alam mo bang you draw attention by just doing that Ruka?

"Wag mo nga akong pandilatan dyan at nagmumukha kang tarsier dyan sa laki ng mata mo..." napatawa ako ng bahagya sa expression nya. "Japanese ka ba talaga? Hindi ka naman singkit eh"

"Che! Number one: hindi ako animal kagaya ng mga kaibigan mong baluga at number two: Filipino- Japanese ako!" idinuro pa nya ang index finger nya sakin.

"Whatever..." I shrugged. Hindi naman sya mataray before ngayon sukdulan kung magtaray.

"I hate you..." hate is a strong word Ruka. Na-realized ko yan noon.

Be my Heart's Keeper, Spell love: You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon