Chapter 22

62 4 2
                                    

Anastasia van Galen-

Ang tagal ko ng hindi nakakapag P.O.V. lol. Ngayon ko lang na appreciate ang ganda ng architecture ng C.A. Ang corny ko no? Pagbigyan nyo na masaya lang ako.

Alam nyo ba na ang architecture ng C.A. ay parang sa European country? Mala Gothic era ang dating nito at pagpasok mo sa loob ay puro naglalakihang chandeliers ang bubungad sa iyo. Di-elevator din kami sa sobrang dami ng palapag nito. Pagpasok mo naman sa classroom namin ang mga upuaan nito ay parang university style yung mahahaba na table. Tapos dalawang malalaking air conditioning unit kaya namang sobrang heaven ang feeling.

Grabe talaga! Hindi ko ine-expect na ganun yung.... meh yung kapareha ko si Sebastian! Alam nyo na.... hihihihi. Kaya lang nang indian ang mokong!!

Medyo ngayon ko lang naman na-realize na crush ko na sya. Medyo slow kasi ako. Pero hindi naman kasing slow ni Chae Rin bobs.

Maraming naiinggit sakin. Bwahahahahaha gawa nun. Well wala akong magagawa long haired ako eh.

Hindi na rin ako nag-aalala sa walang hiyang stalker na yun kasi alam ko namang may protector na ako. Hihihi... and baka magka wrinkles ako. Sayang beauty ko no!

"Ahhhhh!!! WALANG HIYA KA LALAKENG HILAW!! UMALIS KA SA PAGMUMUKHA KO!!" hayyysss magang-maga nagwawala na ang bulate ng AG's.

"Whyyyyyy?? Its hurt! Bakit mo ba ako pinagtatabuyan? Huhu honeybells diba magkadate na tayo??" sige gatungan pa ang pag-aaway Nate.

"Haaaa?? Ewan ko sa hocus pocus na ginawa nyo pero hindi kita kadate!! Hindi ako magde-date ng kumakantang ipis!!" ang hard.

"Good morning…" may bumulong sa tenga ko. Mabilis ang reflexes ko kaya nasiko ko kung sinuman iyon.

"Array!!" Nagsitinginan yung mga classmates ko sa direksyon namin.

"May galit ka ba sakin? Oh nakalimutan ko nga palang amazona ang Prinsesa ng buhay ko" si Sebastian pala at sapu-sapu nya ang ilong nya.

Himala si King Kong sumulpot! At har har napahiya ako! Sana hindi halata na nag blush ako. Napansin kong may hawak syang guitar case.

"Hmmmp! Nang indian ka kaya kahapon kaya wag mo ring gagayahin si Nate na kung makaaking nagde-date sila ni Mika wagas! FYI hindi ako easy  girl katulad ng mga dine-date mo"

"Bakit may sinasabi ba akong ganon? Hindi pa nga ako nangangakyat ng pag suyo eh" he flashed his Hollywood smile. Aruy jusko! Puso huminahon ka!!

"Wala"

"Wala pala eh wag kang assuming" nang aasar ba 'to?

"Kaasar 'to!" pahalukipkip ko ng braso ko.

Bigla naman nyang tinusoktusok ng index finger nya ang pisngi ko.

"Hahaha pikon! Anyways may gusto akong ipakita sayo"

"Ayoko" can't you see? Nagtatampo ako sayo! At saka naka-upo na ako sa upuan ko eh patatayuin pa!

"Bili na saglit lang… wala naman si Sir Jumbo"

"AYIIEEEE! BOY TUMATALANDI KA NANAMAN!!" Sigaw ng kulugong si Nate.  Ay nako hindi pa rin nag babagong buhay eh.

"Haysss tara na nga! Ano ba kasi yon?? Siguraduhin mo lang na hindi yan kalokohan ha patay ka talaga sakin" pag susungit ko.

"Yes ma'am" he grinned again.

So lumabas kami ng school building. Ano kayang meron?

Tapos nun ay dinala nya ako sa isang lagoon. Isolated kami maliban nalang dun sa swing set sa may pangpang at sa isang nipa hut sa di kalayuan.

Be my Heart's Keeper, Spell love: You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon