Chapter 16

58 2 1
                                    

A/N: Hi there readers! Medyo magiging puro tungkol po ito kayna Anaastasia at Fukui twins ang mga susunod na chapters~ We'll do our best to make this story a good one.

Gambare!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anastasia van Galen-

I opened my locker to get some notebooks at yung answer sheet booklet namin sa Math. Ang gamit kasi namin ay ebook na at sosyal din ang teacher kasi high-tech na ang mga gamit na pang turo nila. Iba na talaga pag prestigious school.

Hindi ko nga lang inaasahang puro basura ang locker ko. My gaaaaaahd! Sino nanaman ang gumawa nito? Grabehan! Paniguradong mga alagad nanaman ni Rampatita ala Reyna Kurikong ang may gawa nito.

Rampatita ala Reyna Kurikong yan ang tawag ko kay Audrey. Grabe kasi kung maglakad parang bibe at parang nagpa-plastic surgery sa sobrang kaplastikan! Grabe sa kapal ng mukha a, talandi! At isa pa sarap nyang tagalin sa surface ng mundo gamit ang gamot sa fungi! Diba yun naman ang pangpatay sa kurikong?

Pano kooo kaya 'to aayusin? May mustard pa yung isa kong notebook kainis!

"Oi Prinsesa ko… para kang ewan dyan! May homeroom pa tayo kay Sir Jumbo" bigla nalang may nagsalita at ewan ko ba kung nag lalambing ba iyon o nilalandi ako.

"Ay! Mustard! Ay si King Kong pala!!" sa sobrang pagkabigla ko ay isinara ko bigla ang pintuan ng locker ko.

"Ano? Ang cute mo naman pag nagugulat Prinsesa ko" nakangisi si Sebastian habang nakasandal sa katabi ng locker nung saakin.

"Hay naku King Kong tigilan mo nga ako ang aga-aga ng bwibwisit ka!" Nagpatiuna akong maglakad bibit yung mga gamit ko.

"Kelan pa ako naging si King Kong aber? At ang gwapong King Kong naman nitong nasa harap mo!" tumawa sya. Naku! Bakit ganon? May feeling akong hindi ko maipaliwanag.

"Che!"

Simula nun ay di na nya ako tinigilan. Halos araw-araw ay pumupunta sya sa locker room at palagi kaming magkasabay sa pagpunta ng classroom. Nasanay na rin ako kahit hate na hate ko pa rin sya. Paano ba naman kasi ang palaging kasama nung magkambal eh yung mayamang childhood friend ni Ruka tapos may practice si Chae sa choir tuwing umaga kaya naiiwan akong mag-isa.

"Hoy King Kong ba't ka nakabusangot dyan? Para ka tuloy si Soneyo sa Doraimond!" Sabi ko sa kanya.

"Eh paano kasi nakakainis yung mga asungot na yun kung makatingin sa Prinsesa ko wagas. Sarap dukitin ng mga mata at i-barbecue!" talaga lang ha. At bakit ba nya ako tinatawag na prinsesa daw nya? Hay ewan! Pero in fairness ang sweet.

Shemay! Ano bang pinag-iisip mo dyan? Erase, erase.

"Ay ewan ko sayo"

"Uy Prinsesa ko! Hintay naman o" ay shemay ipinagsigawan pa. Namula tuloy ako buti nalang hindi nya nakita.

Dahil free time ngayong hapon after lunch ay nasa usual na tambayan kami. Ang bulwagan sa CR. Lol seryoso kaming sa CR kami tumatambay hahaha de joke lang.

Sa botanical graden talaga kami tumatambay. At in fairness ha sumikat kami dahil dun sa issue namin kay Rampatita ala Reyna Kurikong na yon.

"Ang borrrrriiing talaga alam nyo yun??" Tanong ni Nate. Haist kasi naman pag nandun si Marco nandun din sila. Nananadya ba sila? Gusto nga naming masolo si Marco kung umepal naman sila wagas!

Be my Heart's Keeper, Spell love: You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon