Chapter 2: Part two

89 3 0
                                    

Park Chae Rin-

Sino ba 'tong trespasser na 'to? Hindi ba bawal pumasok dito?? And we need him to get him out of here. Nag-aalala rin ako kay Annie. Mahirap i-explain ang condition nya. Basta may trauma sya gawa nung 'nangyari dati'... ayaw nya sa mga lalaki. Basta complicated.

"NATE LUMABAS KA DYAN!!!! ALAM KONG NANDYAN KA!!!" May nagwawala sa labas na boy. Parang gorilla lang ang peg.

"May sumusundo na sayo, alis na" Ang taray mo talaga kahit kelan Ruka!!

"Nooo... papatayin ako nun makikitago lang muna ako" sabi ni trespasser at basta nalang pumasok sa closet. Napa ungentlemanly ng kumag.

"Ahhhhh.... nakaka-inis ba't sya pumasok dun hindi ko pa nailalagay sa drawer yung undies ko!!" Mangiyak-ngiyak si Ruka. Natawa naman kami.

"Yan kasi sabi ko ayusin mo na kanina eh" Mika gave her an I-told-you-so look. "Hahaha hindi naman nya siguro gagawing souvenir yun don't worry" biro ni Anastasia. Whew okay naman sya I guess.

BLAG!!! Bigla-bigla na lang bumukas yung pintuan. Syempre ang instinct ng isang tao ay...

"Aarrrayyy.... wag...array!!" Hinampas ko ulit. Wag syang mag reklamo ng gugulo sya rito at ginulat nya pa ako.

"Oh girl biolente ka ha maganda ka pa naman... hindi ako trespasser dahil hindi ugali ng mga gwapo iyon... I'm Seb by the way" nag wink sya. Gosh parehas sila ng ugali.

Eto ba ang nagagawa ng pagkakakulong dito? Lumuluwag ang tornilyo sa utak.

Gwapo rin. Blond at green eyed. At ano yun may smudges pa ng black ink yung mata nya. Saksakan din ng yabang. Inis na inis na rin ang mga besties ko.

"Hoy misterrr.... wala kaming pake... magsilayas kayo dito... nag-iiskandalo kayo... leche!!" Patay na kayo nagtaray na rin si Anastasia. Wait, wait parang nagulat sya nung nakita nya si Annie.

"Hey baby chillax... date tayo mamaya... I'll take you to the moon, give you the stars... I'll love you till there's no more, nasabi ko bang wala ng masgaganda pa sayo??" ngumiti sya ng nakakaloko, inakbayan pa nya si Annie pero nasampal naman sya. Yan kasi masaydong corny.

Hmmm... I think Annie can handle it na. Unlike before na nagiging hysterical sya.

"Hoy corny ka at hindi kami interesado sa mga katulad nyo sige labas isama mo na yung kumag na lalaki sa closet... mga bastos kung sapatusin kaya kita??" Banta ni Annie.

Nag smirk yung fraternal twins at hinila palabas yung akyat bahay #one.

"Ikaw walanghiya ka talaga kahit kailan Nate!" oh so Nate ang pangalan nya.

"Bro it's just for fun! Pikon ka masyado... nang tri-trip ka nga rin eh... at anu yun? Pumuporma ka na kaagad.. inuunahan mo ako" huh anu daw?? Malalaki ang sayad nito sa utak.

"Wait nga lang bawal kayo dito diba? I can understand na nakapasok yan si akyat bahay... but you" turo ko dun sa isa pang guy. "How did you manage? May lady guard sa labas at may parang land lady sa baba ...." magsasalita na sana sya pero may umuna na sa kanya.

"We have dorm passes... so meaning visitors kami... I don't like to looked like akyat bahay katulad ni Nate mahilig kasi sa shortcut. Sorry for the causing trouble... pasaway kasi yang dalawang yan..." Sabi nung bagong kararating.

Gosh... puro ba mga gwapo ang lalaki dito?? Hihihi hindi ko naman ipagpapalit ang k-pop kesa sa mga trespassers na 'to.

"You better be... " Annie glared at them. Paalis na sila ng lumingon ulit si Nate. Nakangiti pa ang loko at nakatingin kay Mika.

"Hey babycakes this is not the last time we'll meet.... We shall return... And nice meeting you, especially you flat girl!"

Whaaaaaaaaaaaaatttttt????!!!!!!!! T^T I like peaaaaaceee...

Paniguradong magkakaroon ng World War III. Mga war freak pa naman ang mga besties ko. -_____-

Be my Heart's Keeper, Spell love: You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon