Chapter 13

66 2 5
                                    

Sebastian el Salvador-

Ang bilis ng mga pangyayari. Nung una inis ang nararamdaman ko kay Anastasia, pero ngayon gusto ko nalang syang alagaan at mahalin. Hindi ko ma-explain kung bakit ganito ang nararamdaman ko. It just happened. Siguro nga tama ang kasabihang:

We often fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time and do the unexpected things...

Nahihiwagaan rin ako kay Marco kasi noong last time ko syang naka-usap ng masinsinan ay nakakapagtaka ang mga sinabi nya sakin.

Flashback:

"Sebastian mag-usap nga tayong dalawa…" wow eto ang first approach nya sakin after the party. At sobrang seryoso ng expression nya parang hindi sya ang kilala kong Marco.

"Bakit? Tungkol ba 'to sa pinsan mo?" I asked kahit obvious naman ang sagot.

"Yes it's about-"

"Look I know nagalit ka dahil hindi ako tumupad sa usapan I'm sorry okay? What I did is just help her because Kevin was molesting her then she cried so I comforted her... I know galit ka and--"

"Are you sure about her?" I blinked. Tama ba ang narinig ko?

"What?"

"Are you sure about your feelings for her? Kaya mo bang panindigan yan?" He looked at me as if last testament na nya 'to. Para namang mamamatay na 'tong taong 'to. Ano bang meron? Huling habilin ganon?

"Yes... alam ko wala kang tiwala dahil sa pagkakakilala mo sakin pero eto lang ang sasabihin ko sayo MAHAL ko na sya at GAGAWIN ko ang lahat para mabago ang pagkakakilala nya sakin at kahit hindi nya ibalik ang pagtingin ko para sakanya ay handa pa rin akong maging kaibigan nya..." I firmly said at determined akong gawin iyon.

Whew ngayon lang ako kinabahan ng ganito, para akong hihimatayin!

Dead silence. Nakakabingi ha.

"Alam kong totoo ang mga sinabi mo ngayon... at siguraduhin mo lang na hindi mo sya papaiyakin kung di papatayin talaga kita!"

Be my Heart's Keeper, Spell love: You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon