Aidan's POV
So ayun nga gaya ng sinabi ni Dad nandito kaming tatlo sa office ni niya, nagtataka ako bakit kailangan dito pa e pwede naman sa sala siguro sobrang importante talaga nitong pag uusapan namin.
So anak gaya nga ng sinabi ko kanina pag uusapan natin yung sa inyo ni Alisha. Sabi ni Dad, hay sino ba kasi tong Alisha na to at sobrang importante naman na tipong dito pa kami sa office ni Dad mag uusap.
Dad sino ba yang Alisha na yan?
Anak siya ng Tito Sebastian at Tita Sophia mo. Sabi naman ni mom. Si tito Sebastian at tita Sophia ay bestfriend nila Mom and Dad. Makakaibigan na sila simula pa elementary. So anak pala siya nila tito at tita so ibig sabihin kapatid siya nila Eli (Samuel). Kaclose ko si Eli dahil sa pag babasketball dito sa subdivision pati na rin yung dalawa pa niyang nakakatandang kapatid na si Ale at Timothy (Lucas) pero mas close kami ni Eli ang totoo talaga niyang pangalan ay Samuel Eli pero ang tawag ko sa kanya ay Eli mag bestfriend kami nitong si Eli dahil bata pa lamang ay magkakalaro na kami at hindi ko alam na may kapatid pala silang babae hindi naman kasi nila nababanggit sakin e. Mas matanda sakin ng isang taon si Eli 3rd year college na siya habang ako ay 2nd year pa lang pero hindi uso samin ang pagtawag ng Kuya sa kanilang tatlo. Sa aming tatlo ako ang pinaka bunso isama mo pa ang dalawa kong kuya. Si Kuya Alex ay kaedad si Kuya ale habang si Kuya Timothy naman ay kasing edad ni Kuya Aaron.
So what about her Dad?
Simula next week ay dito na siya titira sa atin dahil ayaw nila Sebastian na iwan si Alisha na mag isa sa bahay nila. Dad. Lunes ngayon so ibig sabihin next week Monday dito na siya titira kasama ko pano na to wala pa naman kaming guest room dahil may nasira doon at next next week pa ito sisimulang ayusin.
Whaattt??!!!
Anak wag mong sigawan ang Daddy mo. Mom
But why? Bakit dito pa siya titira e nandun naman ang mga Kuya niya at mga maids.
Pupunta kami ng tito at tita mo sa Korea upang ayusin ang problema ng kumpanya si Alejandro naman ay pupunta ng Canada upang siya muna ang humawak ng kumpanya nila dun habang si Lucas naman ay sasama samin dahil mag sisimula na din ang training niya sa pag hawak ng kumpanya nila at si Samuel naman ay pupunta sa States dahil nakakuha ito ng Scholarship doon na siya mag tatapos. Ayaw naman nilang iwan si Alisha mag isa sa mga maids nila at driver alam mo naman ang tito at tita mo protective kay Alisha dahil nag iisang babae kaya pinagkakatiwalaan ka ng tito at tita mo na aalaga mo siya habang wala kami. Mahabang paliwanag ni dad. Well ayaw kong may kasama na iba pang babae sa bahay bukod si mommy at ang mga katulog wala na akong magagawa as if I have a choice.
Baka mamaya igrounded pa nila ako dahil umaayaw ako edi wala akong gadgets at panigurado akong ifefreeze nila ang accounts ko at kukumpiskahin pa nila yung susi ng motor at sasakyan ko. Ohh men di ko kaya yun, kaya kahit ayoko wala na akong magagawa. Nakasalalay dito ang mga kaligayahan ko ngayong bakasyon.
Fine but saan naman siya matutulog e sira ang guest room natin at panigurado akong hindi papayag sila kuya na ipagamit ang kwarto nila alam niyo naman po yung dalawa na yun maaarte daig pa babae. Yup totoo yun ayaw na ayaw nila Kuya yun pili lang ang nakakapasok sa kwarto nila.
Kahit ako maarte din kahit maids hindi pa nakakapasok sa kwarto ko dahil ayokong may pumapasok na babae sa room ko except Mom kaya kapag gigisingin ako si Mom ang gigising sakin at kapag naman lilinisin ang room ko si Mom din, nung una ayokong si Mom na ang mag linis at papayag na sana akong isang maid ang mag lilinis sa kwarto ko pero si Mom na ang nag pumilit sakin na siya na lang ang maglilinis ng kwarto ko kasi siya lang ang nakakaalam kung bakit ayaw kong mag papasok ng ibang babae sa kwarto ko bukod kay mommy dahil gusto ko yung unang makakapasok sa kwarto ko ay ang childhood best friend ko.
BINABASA MO ANG
I'm living in my enemy's house
Novela JuvenilSi Aidan Yves Zion H. Wright ay isang cold heartted. 10 years niya nang hinahanap ang kanyang girl bestfriend, ngunit hindi niya ito mahanap pero hindi siya sumusuko dahil alam niyang mahahanap niya ito. Sa isang pagkakataon ay mayroong kailangang t...