Chapter 61: Is this the end?
Xavier's POV
Nakarating na kami sa Amusement Park at ng makita ko ito ay may biglang nagflash back sa utak ko.
Kambal na babae. Lagi naming kalaro ni kambal Kia when we're 5 years old I guess? Dahil nga kambal kami ni Kia, napalapit na rin kami sa ibang magkaka-kambal. Lagi pa nga naming kasama sila eomma tuwing may pupuntahan kami, pati na rin magulang nung dalawang babae lagi naming kasama. Once na dinala kami sa amusement park, Orion ang name ng amusement park na 'yon. Nagkakasaya kami ng biglang nagkagulo sa amusement park. May mga armado, marami silang hawak na baril, dahil doon hinila kami ni Kia nila eomma at appa at nakita ko 'yung isa sa kambal na babae nandoon sa gitna ng mga nagtatakbuhang mga tao, umiiyak.Ituturo ko sana siya pero biglang hinila ng armadong lalaki ang kamay nung babae, kaya wala na akong nagawa. Dahil na rin sa nangyari, sa Korea na kami nanirahan.
"Hoy Xavier bakit ka nakatunganga diyan?" sigaw sakin ni Ashton.
"Ah wala. May naalala lang ako." sagot ko.
"Ipagpaliban mo muna 'yan. Sunod na tayo sa loob." sabi naman ni Zhayden. Tumango na lang ako.
"Teka paano ka Jas?" lumingon ako sa kinaroroonan ni Jas.
"I'm fine now." she said with sweetish smile. Cute. Wtf am I thinking? Napaiwas na lang ako ng tingin at tumungo sa entrance.
Napatingin ako sa Arch para tignan ang pangalan ng amusement park na ito, Welcome to Orion. So ito pala 'yung pinuntahan namin noon. Hindi na siguro napapasyal ito dahil na rin sa nangyari dati. Pero bakit napakalinis pa rin sa loob at may ilaw pa rin ang kada rides at booths dito na tila ba laging may pumapasyal.
Pagpasok namin ay may mga neon arrow sa floor.
Napatikhim si Blake kaya nakuha niya ang atensyon namin.
"We need to part our ways." Blake said. Ewan ko ba sa tuwing makikita ko silang apat na magba-barkada ay umiinit ang ulo ko sa kanila. There is something that pushes me not to trust them, but then this is not the right time to feel suspicious at them.
"Nandito ka pala Blake." sabi ni Kia. Tinanguan lang siya ni Blake.
"We need to divide ourselves." Zhayden said.
"He's right, it would be much safer for us dahil sa nangyari kanina mahirap ng magkakahiwalay tayo individually dapat may grupo grupo na." pagsang-ayon naman ni Jas.
Nang papunta na kami sa kaniya kaniya naming daan ay pinigilan kami ni Zhayden at saka siya luminga sa paligid. Nagtaka naman kami kung bakit.
I was about to ask him what's the problem ng biglang may dumaplis na shuriken sa braso ko. Hindi naman ako nasugatan at nagkaroon lang ng maliit na cut sa leather jacket ko. Ngunit nanatili pa rin kaming alerto at pumalibot ang tingin.

BINABASA MO ANG
Gangsters In Disguise
ActionThere are four girls na mayaman, maganda, sexy, fashionista and. . . GANGSTERS They are the most powerful gangsters, they are known for their strength and skills that no one can imitate. Their gang named Royal Bloods. They hide their true identity w...