💙Chapter 51💙

4.2K 162 2
                                    

Chapter 51:



Jas' POV

Nang makarating na kami sa room naming apat ay agad kaming humilata sa kama, wala lang trip lang nyahaha! Ang laki ng kama nila dito, Queen size bed, kaya naman tabi kami ni Ann-babe, then si Kia at Jea naman sa isa.

Bali sila ay nasa part kung saan may malaking bintana na natatakpan ng Curtain. Tumayo ako at lumapit don. Ohh...may veranda pala, binuksan ko dahil sliding door naman......

*o* wow!

Kitang kita ang view dito! Ang ganda! Yung sa entrance ng hotel kasi may mga nag-gagandahang halaman na naka-arrange doon, ngunit di mo masyadong makikita, pero ngayong nandito ako sa veranda ang ganda super! Shocks! Kailangan nila tong makita!

"Gir-------" napatigil ako ng makita ko silang tatlo, natutulog sila. Haaays! Pagod siguro sa byahe.

Sige na nga mamaya nalang, dumeretso ako sa isang upuan dahil nandon ang bag ko, kinuha ko ang phone ko and kumuha ng picture nun, post ko sa instagram ko mwehehe!

After 'non ay natulog rin muna ako. ZzzzZzzzzzzzZzzzz........

"HOY JAS! GUMISING KA NA!!!" sabay sabay nilang sigaw kaya naman napa-bangon agad ako, harajusko! Etong mga babaeng 'to talaga!

"Ano?!" Inis na tanong ko sakanila at humiga ulit, bumungisngis naman sila at hinila ako patayo at tinulak papuntang C.R, bago pa nila ako matulak ay napatingin ako sa bintana dahil naka bukas naman yung kurtina. Pag-tingin ko ay madilim na.

Ang haba pala ng tulog ko. Di ko namalayan na gabi na pala.

Tapos na akong naligo at nakapagbihis na rin. Nakita ko silang tatlong nasa kusina na. Nakahanda na rin pala ang pagkain.

"Sinong nagluto?" tanong ko sa kanila.

"'Yung chef malamang!" sarkastikong sabi ni Jea. Kahit kailan talaga itong si Jea.

"Kaibigan ba talaga kita?" sabi ko sa kaniya.

Napatawa na lang kaming apat. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik kaming kumakain pero nabasag ang katahimikan dahil nag-umpisang nagsalita si Jea.

"Why are the Mean Queens want to hurt us?" nagtatakang tanong niya.

"They just want to bully us." sabi naman ni Ann.

"You had a point Ann, but some thoughts in my mind saying that, they are not just want to bully us. I think may nag-uutos sa kanila para idespatsa tayong apat." litanya ni Jea. Habang nakatingin sa malayo.

"Yeah tama ka Jea. Bakit ngayon ko lang naisip 'yan?" sabi ni Kia habang napapakamot sa batok niya.

"Matagal ng may tama si Jea. Hahaha" sabi ko habang natatawa. Nakita ko naman si Jea na sinamaan ako ng tingin kaya napatigil ako sa pagtawa.

Natapos na kaming kumain at napag-usapan naming tatakas kami ngayong gabi para makapag-gala. Hindi muna kami mag-d-disguise sa labas. Tinawagan namin si Butler John.

Nandito na kami sa veranda. Natatanaw ang magagandang view dito sa Baguio.

"Ready RB's?" sabi ni Jea.

"Ne!" sabi naming tatlo.

Kung inaakala niyong tatalon kami mula dito sa 5th floor, it's a big NO. Ayaw pa naming mamatay 'no. Mababawasan ng mga Diyosa dito sa mundong ito.

Nandito na ang helicopter at nakita si Butler John.

Nakalaylay na ang hagdan na gawa sa tali at handa na naming talunin. Successful naman at nakasakay na kami. Saan kaya kami ibaba ni Butler John?

Gangsters In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon