Chapter 5: First HeartBreak

2 0 0
                                    


Tinago ko ang nararamdaman ko para sa kanya. I can't take risks. Hindi ko magawang sabihin kay Ashley na inlove ako sa kanya na bestfriend ko. Kahit na parati pa kaming magkasamang dalawa. Pinupuntahan ko rin siya sa school nila para sumabay kumain ng lunch. The more I get closer to her, the more I don't want to lose her.

Kakauwi ko lang sa bahay matapos ko siyang maihatid sa kanila ay narealized kong kailangan ko na nga yatang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko na kasi kaya. Baka sa oras na hindi ko maamin sa kanya ay baka maunahan pa ako ng iba at kapag nangyari yun ay baka hindi ko kayanin. It is now or never. Kaya hangga't maaga ay ayoko ng magpakatorpe pa. Kaya naman napagdesisyunan kong aminin na sa kanya ang lahat bukas. Gumawa ako ng love letter at doon ko sinabi ang lahat ng nararamdaman ko. Isinulat ko rin doon na sana ay hindi pa rin magbabago ang lahat kung sakali mang wala siyang nararamdaman para sa'kin.

Kinabukasan pagkatapos ng klase namin ay pinuntahan ko siya agad sa bahay nila. Pawis na pawis ako ng makarating sa kanila. Hindi lang dahil sa pagod kundi ay dahil na rin sa kaba. I take a deep breath before I pressed the doorbell. Pagkatapos ng ilang segundong paghihintay ay biglang bumukas yung gate ng bahay nila at iniluwa nito iyon si Ashley, "Oh Jacob, naparito ka. Gabi na ah?" nagtataka niyang tanong sa'kin.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita siya, "May sasabihin sana ako sa'yo Ash." sabi ko habang hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Ano yun? Halika pasok ka Jacob. May sasabihin rin pala ako sa'yo." nakangiti niya ring wika at hindi na rin ako nagdalawang isip na tumuloy sa loob ng bahay nila.

Hindi gaanong malaki at hindi rin ganun kaliit yung bahay nila. Sabagay kung tutuusin ay nag-iisang anak lang naman si Ashley. Madalas pa siyang iwan mag-isa ng mga magulang niya na abala sa kanilang negosyo.

"Maupo ka muna dito Jacob at ipaghahain lang kita ng meryenda." aniya at iniwan akong nakaupo sa may sala.

Hindi nagtagal ay nakabalik na siya mula sa kusina habang may bitbit na pagkain at inumin. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.

'Ang suwerte ko dahil ang galing umasikaso ng future wife ko.' sambit ko na lang sa aking sarili.

Pagkalapag niya ng tray sa lamesa ay umupo na rin siya sa harapan ko.

"Thanks Ash." wika ko.

"Ahm... ano nga pala yung sasabihin mo Jacob?" tanong niya sa'kin.

Muntik na akong mabulonan sa kinakain ko pero buti na lang ay inibotan niya ako ng juice na maiinom.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Nakangiting nag-aprub lang ako sa kanya para iparating na okay na ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya nag-isip na lang ako ng ibang paraan para baguhin muna yung topic.

"Hindi ba't may sasabihin ka rin sa'kin? Pwede bang ikaw na lang muna ang mauna?" nahihiya kong tanong sa kanya.

"Oo nga pala... muntik ko ng makalimutang sabihin. May aaminin sana ako sa'yo Jacob. Kaya sana ay huwag kang magugulat." simula niya.

Mas dumoble yung kabog ng dibdib ko. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. My mind is starting to wonder.

Hindi kaya ay ito na yun?

Ito na kaya yung sinasabi nilang exepect the unexpected?

Yung part na kung saan ay aaminin na rin siya sa nararamdaman niya para sa'kin?

Malay natin at baka nadevelop na rin siya sa'kin dahil sa kami lang naman yung parating magkasamang dalawa. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko pero umaasa ako na sana ay ito na nga yun. Handa na rin naman akong ibigay sa kanya yung sulat na pinagpuyatan kong gawin kagabi.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at saka ay ngumiti, "May boyfriend na ako Jacob. He's name is Lance and I'm so happy."

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Pati yung ngiti ko ay biglang nabura sa labi ko. Walang kahit na anumang salita ang lumabas sa bibig ko. Tingnan mo nga naman ang tadhana, kung kailan handang handa ka ng umamin sa nararamdaman mo ay saka ka pa inabutan ng wrong timing. Siguro nga hindi lang talaga sang-ayon sa'kin yung tadhana.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil ayokong makita niya akong nasasaktan. Kaya ngumiti ako ng pilit at sinabing, "Congrats! Masaya ako dahil masaya ka rin Ash."

Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko, "Hindi pa ba siya masaya nung magkasama kami?"

Niyakap ko siya ng mahigpit at dun na rin tumulo yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, "Sana ay hindi ka niya iwan." bulong ko sa pagitan ng mga yakap ko.

Kung pwede lang sana ay hindi ko na siya pakakawalan pa mula sa mga bisig ko. Pero alam ko naman na hindi pwede dahil may iba ng nagmamay-ari sa kanya. Bago ko siya pinakawalan ay pinahiran ko muna yung pisngi ko.

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. This time ay nakita ko yung Ashley na nakilala ko noon.

"Hindi ako makapaniwalang may magkakagusto sa'kin."

Nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. Nararamdaman ko talaga kung gaano siya kasaya.

"Meron naman talagang magkakagusto sa'yo eh. Maganda ka naman at ang bait-bait pa."

Sa loob ng isipan ko ay gustong gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko rin siya. No scratch that, na mahal ko rin siya pero pinipigilan ko ang sarili ko na gawin yun dahil alam kong hindi na pwede. Malabo ng mangyari ang bagay na matagal ko ng hinihiling. I guess, my bestfriend became my first heartbreak without her knowing.

True ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon