Chapter 7: Love Problem

4 0 0
                                    

Simula nung bisitahin ko siya ay yun na ang palagi kong ginagawa. Since hindi naman ako makachat sa kanya sa yahoo messenger. I let her feel how much I care and love her.  Pero wala pa ring nangyari.

Nasaktan pa ko ng makita ko yung picture frame na nakapatong sa gilid ng kama niya. Hindi na kaming dalawa yung nasa picture kundi ay silang dalawa na ng boyfriend niya. Sabagay hindi naman naging kami ni Ashley. Sa tuwing ipinipilit ko yung sarili ko sa kanya ay mas lalo lang akong nasasaktan.

That's why! I've distance myself to her. Wala naman kasing patutunguhan itong nararamdaman ko para sa kanya. I've decided to forget my feelings for her before I will go back as her bestfriend. Alam kong hindi magiging madali ang lahat pero kakayanin ko. Hindi lang para sa kanya kundi ay para na rin sa sarili ko.

Kaya hindi na ako nagparamdam pa sa kanya. 'Ni hindi na rin ako bumibisita pa sa yahoo messenger ko kasi wala lang din namang halaga pa yun. Siguro may mga times na hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Kaya minsan ay napupuyat ako sa gabi.

I've tried to divert my feelings sa ibang bagay. Nang sa gayu'y madali ko siyang makalimutan para kapag nagkita man kami ulit ay hindi na ako mahirapan pa. Hanggang sa isang gabi ay nagyaya ang isa sa mga kaibigan kong si Ronnie na gumimik. I couldn't say no since these past few days raw ay hindi ko na sila nakakasama. Ayoko naman silang magtampo dahil mga kaibigan ko sila.

"Bro, ang lalim yata ng iniisip mo. May problema ka ba?" puna sa akin ni Ronnie.

Nandito nga pala kami sa bar ngayon together with our other classmates. Malaya kaming nakakapasok sa bar na 'to since we're legal already.

"Oo nga pare, napapansin namin these past few days. Palagi ka na lang lutang." komento naman ni Xian.

"Wala 'to pre. May iniisip lang." kibit balikat kong sabi.

"Huwag mong sabihing tungkol 'to dito sa kababata mong matagal mo ring hindi nakita?" hindi ako umimik sa sinabi ni Ronnie.

Totoo naman kasi talaga ang sinabi niya. Siya lang din pala ang nag-iisang nakakaalam tungkol kay Ashley. Siya kasi yung pinaclose ko sa kanilang tatlo at isa pa ay hindi naman ako masyadong open sa nararamdaman ko. Ang akward lang kasi para saming mga lalaki ang magdrama. 

"Alam mo kung babae man yang problema mo. Bakit hindi ka na lang mag-enjoy ngayong gabi? Tulad na lang ng ugok na yun." sabat naman ni Xian nsabay turo kay Kean na masayang nakikipagkwentuhan sa isang babae sa hindi kalayuan sa pwesto namin.

"Wala akong panahon para diyan pare." walang interes kong sabi.

"Kaya ka nga namin dinala dito eh para naman makalimutan mo yang problema mo. Alam mo Jacob, kahit hindi mo sabihin kung ano yang nararamdaman mo ay naiintindihan naman namin. Basta huwag mo lang kakalimutan na nandito lang kami bilang mga kaibigan mo." sabay tapik ni Ronnie sa balikat ko.

Kahit papaano'y gumaan yung pakiramdam ko dahil sa sinabi nila.

"Oh!" alok sa'kin ni Xian ng isang baso ng alak.

Nagdadalawang-isip man ay tinanggap ko pa rin yung basong inalok niya at agad na nilagok ang laman nito. Hindi ito yung unang beses na nakatikim ako ng alak pero 'ni minsan ay hindi ako nagpakalasing. Siguro sa ngayon ay pwede ko ng gawin yun total may dahilan naman ako eh.

"C.R lang ako pare." paalam ko sa kanila.

"Sige Bro!" at dali-daling naglakad paalis.

Hinanap ko pa yung restroom since hindi ko kabisado yung lugar dito. Pagkatapos kong magbawas ay agad rin akong bumalik kung saan nakapwesto ang mga kaibigan ko. Kaso nasa kalagitnaan pa lang ako sa paglalakad ko ng may bigla akong masagi.

"Ouch! Ano ba! Mag-ingat ka nga!" sigaw sa'kin ng babaeng nakahandusay ngayon sa sahig.

"Pasensya na miss. Medyo tipsy lang." depensa ko at tinulungan siyang makatayo.

Medyo nagulat pa siya ng makita ako. She's actually pretty but she's not my type. She also seemed familiar to me. Parang nakita ko na siya dati pero hindi na mahalaga pa kung saan yun.

"If you're really sorry then why don't you treat me for a drink?" alok niya sa'kin habang nakangiti  ng pagkatamis tamis.

Is she trying to seduce me? Oh well, wala naman sigurong masama since nandito naman ako ngayon sa bar para aliwin ang sarili ko.

"Sure! Walang problema. Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya.

#########

"One more please..." sigaw niya dun sa bartender na nasa may counter.

Halos hindi ko na mabilang kung pang ilang order na niya ng cider. Hindi ko akalaing ang tinutukoy niya pa lang inumin kanina ay hard drink.

"Lasing ka na, tama na yan..." sabay agaw ko dun sa basong may lamang alak.

"No, I won't..." pagmamatigas niya.

"Why are you even drinking? Alam mo bang hindi maganda sa isang babae ang magpakalasing?"

"Wala kang pakialam! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko..." naiiyak niyang wika.

"Oo na.. hindi ko nga alam kung anong nararamdaman mo. Pero pwede mo namang sabihin sa'kin eh."

"Talaga? Pramis! Hindi mo 'ko pagtatawanan ha?" 

"Oo naman..."

"Sige na oo na... Sasabihin ko na... There's this guy kasi na I really like and he likes me too naman kaya same kami ng nararamdaman. Niligawan naman niya ako kaso ako 'tong si tanga! ginamit siya para lang mapatunayan niya yung nararamdaman niya para sa'kin. Alam mo ba kung anong malaking pagkakamali ang nagawa ko?" tanong niya ng may panghihinayang.

"Ano?" puno ng kuryosidad kong tanong.

Narinig ko na lang ang paghilik niya senyales na nakatulog na pala siya. Napapailing na lang ako. 'Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan niya at kung saan siya nakatira. Wala rin siyang dalang I.D but don't get me wrong, hindi ko pinakialaman ang mga gamit niya sa bag except to her I.D's. I think I have no choice but to carry her with me on my way home. I called them informing that I will go home already. Ayaw pa sana nila akong pauwiin kasi masyado pa raw maaga but I insisted and told them na may emergency sa bahay kaya wala na rin silang nagawa pa.

I carry the girl with no name and put her at the back of the driver's seat. Umupo na rin ako sa driver's seat at pinaandar na ang makina. Pagkarating sa bahay ay agad ko siyang dinala sa itaas kung saan ang guest room namin. Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin siyang natutulog halatang ang lakas ng tama niya. Kung ibang lalaki lang ako ay baka may iba ng nangyari sa kanya. Ayoko naman siyang iwanan na lang mag-isa sa isang hotel at baka mapano pa siya.

I guess, ang laki nga talaga siguro ng problema niya tungkol sa pag-ibig. Pareho pala kami. Ang kaibahan nga lang ay pareho sila ng nararamdaman nung lalaki.







True ColorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon