Simula nung araw na nagkaroon na siya ng boyfriend ay bibihira na lang kami kung magkitang dalawa ni Ashley. Wala na kasi siyang oras para sa'kin at sa kadahilanang may boyfriend na nga siya. Madalas na rin siyang hindi nagrereply sa mga texts ko.Sumapit na ang summer at kasalukuyan akong nakaharap ngayon sa laptop ko. I decided to open my facebook account and luckily, I found out na online si Ashley. Kaya naman ay hindi na ako nag-atubili pang emessage siya.
Ash pwede ba tayong magkita? Namimiss na kasi kita eh.
*Ashley Cortez is typing...*
Back off dude! Boyfriend niya ako. Kaya huwag ka ng magtangka pa ulit na echat siya.
Matutuwa na sana ako kasi nagreply siya kaso narealized kong iba pala ang kasalukuyang gumagamit ng account niya at sa kasamaang palad ay ang boyfriend niya pala. Dala na rin ng pagkadismaya at pag-iwas sa gulo, I decided not to reply back and I logout my account immediately.
Nakaramdam ako ng lungkot ng hindi ako nakahanap ng paraan para makausap at makita siya. Kaya naman ay napagdesisyunan kong puntahan sila sa kanila. I grabbed my jacket and wallet. Pagbaba ko sa hagdan ay nadatnan ko na si mom at dad na kakauwi lang galing sa trabaho. By the way, my parents are both doctors kaya naman madalas ay umaga na sila kung umuwi. Speaking of their professions, expected na rin na kapag sa umaga ay uuwi lang sila para magpahinga at matulog.
"Oh! Honey, saan ka pupunta?" takang tanong sakin ni mom ng makasalubong nila ako sa baba.
"Ahmmm... Hi mom and dad." bati ko sabay halik sakin ni mom. "Pupuntahan ko lang sana yung kaibigan ko." paghingi ko ng permiso sa kanila.
"Don't tell me na itong kaibigan na tinutukoy mo ay yung childhood friend and at the same time ay ang kapitbahay natin dati na matagal mo ng hinahanap?" tanong sakin ni Dad.
Napatango na lang ako bilang sagot.
"Really? I'm glad at nagkita na rin kayo sa wakas." nakangiting pahayag ni Mom.
"Yeah! Sige Mom and Dad. Alis na po ako." magaling kong sabi at akmang lalabas na sana ng bahay ng bigla na lang akong tawagin ni Dad.
"Wait son, I have someting for you..." aniya at may dinukot na kung ano sa bulsa ng pantalon niya. "Here... Catch it!" inihagis niya yung susi sa direksyon ko at awtomatiko ko namang sinalo iyon.
Nang mapagtanto ko kung para saan yun ay napabaling muli ang tingin ko sa kanila.
"Woah! Seriously, Dad?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Tulad ng ipinangako ko sa'yo sa oras na tumaas ang grades mo sa school. Sana ingatan mo yan." paalala niya sakin ng may ngiti sa labi.
I'm just thankful to have a supportive parents like them.
"Cool! Well, thanks Dad." pagkalapit ko ay agad kong niyakap si Dad.
"Mag-iingat ka sa pagdadrive mo." wika naman ni Mom.
"Yes Mom." sabay saludo sa kanya.
Napatawa na lang silang dalawa dahil sa inasta ko. Excited na lumabas na akong bahay at dumiretso sa garahe kung saan nakaparada yung bagong kotse na binili ni Dad para sa'kin. To my suprised, it's a color black ferrari. Hindi ako pwedeng magkamaling ito yung sasakyang gustong gusto kong bilhin niya para sakin nung nakalipas na mga buwan. Tulad ng ipinangako niya noon sakin ay nasa harapan ko na nga ito.
Namangha ako sa oras na pinagana ko na yung makina at agad ng umalis. Pagkarating ko sa bahay nina Ashley ay agad na akong umakyat sa terrace ng kwarto ni Ashley. Sa tulong ng sinag ng buwan ay agad kong naaaninag yung pigura niya habang nakaupo sa isang mesa. Buti naman at gising pa pala siya sa mga oras na 'to.
BINABASA MO ANG
True Colors
RomanceKung ang bahaghari ay may taglay na iba't-ibang uri ng kulay. Ang tao naman ay may tunay rin na kulay. Pero hindi yung literal na kulay ng isang tao. Kundi ay yung tunay na ugali ng isang tao. Sa mundong ating kinagagalawan ay hindi natin maiiwasan...