Kinabukasan ay nagising na lang ako na wala na yung babae sa guest room. She even left me a note saying... I owe you one. Thanks for accompanying me yesterday night and for letting me slept in your house by the way. I'm looking forward to meet you someday. But if you need anything you can contact me in this no. ************ -M.
Nagkibit balikat na lang ako sa nabasa ko at bumaba na. I've prepared breakfast for myself. Buti na lang at sana'y na ako sa ganitong set-up. I'm already an independent man. Biglang sumagi sa isipan ko si Ashley. Kamusta na kaya siya ngayon? Siya lang din kasi parati mag-isa sa bahay nila. I hope she's doing fine. She's even trying to contact me these past few weeks but I didn't attempt to answer her texts and calls. I think this is part of my moving on stage.
Pagkatapos kong kumain at maligo ay agad na akong umalis papuntang school. Agad akong sinalubong ng mga kaibigan kong sina Ronnie.
"What's up bro?" bati sa'kin ni Ronnie, syempre siya lang naman ang tumatawag sa'kin niyan.
I did the bro fist with each one of them.
"Narinig ko kay Kean na may kasama ka raw babae kagabi. Binuhat mo pa nga raw eh. Totoo ba yun?" biglang tanong sa'kin ni Xian.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Oo nga! Huwag mong sabihin pare na yun yung emergency na tinutukoy mo kagabi sa tawag?" natatawang tanong naman ni Kean sa'kin.
"Anong nangyari, naka score ka ba?" tanong naman ni Kean.
"Ewan ko sa inyo... yang mga utak niyo! masyadong advance kung mag-isip."
"Bakit? Hindi mo type? Maganda ba? Ipakilala mo na lang sa'kin yan total hanggang ngayon ay alam mo namang hindi pa rin ako nagkakagirlfriend." sunod sunod na tanong ni Xian.
This time ako naman yung halos matawa, "Torpe ka kasi pare."
"Nagsalita ang hindi." bulong ni Ronnie pero rinig ko naman.
Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya. Kukulitin pa sana nila ako tungkol dun sa babaeng nakilala ko kagabi pero hindi na natuloy kasi tumunog na yung bell hudyat na magsisimula na yung klase.
########
BINABASA MO ANG
True Colors
RomanceKung ang bahaghari ay may taglay na iba't-ibang uri ng kulay. Ang tao naman ay may tunay rin na kulay. Pero hindi yung literal na kulay ng isang tao. Kundi ay yung tunay na ugali ng isang tao. Sa mundong ating kinagagalawan ay hindi natin maiiwasan...