She's been a part of my life. Andyan sya palagi para sakin. Masaya ako at naging kaibigan ko sya.
Salamat sa'yo. :)
**
Noong second year highschool ako. Nakilala ko si Faith. Halos pareho lang kami. Tahimik pero masiyahin, moody. Konti ang hindi magkapareho samin.
--Sya mahilig sumayaw, ako hindi.
September 8 ako sya September 22 pareho kaming 1999 ipinanganak.
Halos magkalapit lang ang bahay namin dalawang kanto lang. Lagi kaming magkasama sa school, sabay mag-lunch, mag-recess, sabay na din kami palagi umuwi sakay lang naman ng tricycle e.
Minsan pareho kaming isip bata. Hahahaha. Doon kami madalas magkasundo. Kung saan ako at sya magpunta nandun kaming pareho. Second year yon.
Lahat maayos nung second year, bagamat' may konting tampuhan dahil sa iba naming kaibigan. Lagi naman kami nagco-confront at nagso-sorry sa isa't isa kung hindi kami nagpapansinan.
Noong third year kami. Ganon parin naman, kaming dalawa lang palagi palibhasa nagtransfer yung iba naming kaibigan. Halos two months ng third year kaming dalawa na lang lagi magkasabay.
Di kalaunan, napasama na rin kami sa iba naming kaklase. Minsan medyo nagkaka-gap kami. Naiiwan na ako minsan pag recess kasi sumasama sya sa ibang kaibigan namin.
Isang araw, naglilinis kami ng room namin 'non, binagyo kasi e. Late na akong pumasok pero wala parin si Faith.
Pinagtanong ko sya sa mga kaibigan namin na lalaki na super close niya.
Inapproach naman ako ni Patrick.
"Uy, di daw papasok si Faith ngayon e nagtext sakin."
"Bakit naman?" Sabi ko.
"Wag ka maingay ah. Ayaw ipasabi ni Faith 'to e."
"Oh sige."
Sabay hila nya sakin sa medyo kalayuan sa mga kaklase namin. Sapat lang para hindi marinig ng mga naglilinis naming kaklase.
Si Patrick seryoso yung mukha. Ako naman etong kinakabahan, baka kung ano na ang problema ni Faith e.
"Prend, patay na yung mama ni Faith."
Hindi ako makapaniwalasa sinabi ni Patrick.
"Patrick nga! Nako naman! Wag ka magbiro!"
Nung una hindi talaga ako naniwala, pero seryoso yung mukha nya e.
"Oo nga, mamaya pupunta dawsya saglit dito sa school. Magpapa alam muna sa mga teachers."
Gusto ko agad puntahan si Faith nung mga oras na 'yon.
Gusto ko syang samahan at yakapin. Nasa ibang bansa yung pa kasi yung Papa nya e. Mama at Lola pati yung Tita nya yung kasama nyasa bahay.
Napakahirap mawalan ng isang ina. Alam ko hirap na hirap si Faith ngayon.
Hinintay ko si Faith na makarating sa school. Sabi ni Patrick papunta na daw e.
Pagkadating nya, sinalubong ko agad sya at niyakap. Pareho kaming naiyak kahit wala pa syang sinasabi alam ko naman na mahirap para sakanya 'yon e.
Pumunta sya sa principal's office tapos sa faculty. Nagpaalam muna sya sa mga teachers. Lahat sila nakiramay.
Araw-araw akong nasa bahay nila Faith, doon kasi ibinurol ang Mama nya. Lagi ko syang sinasamahan doon hanggang gabi.
Naging maayos din naman na lahat pagkatapos 'non. Bumalik na lahat sa dati.
Pero after ng Intramurals namin (October) medyo nagkakalabuan nanaman kami.
After non medyo okay na kami. Halloween Party (November) nagkaka iwanan nanaman ulit kami. Ang lagi ko ng kasama ay yung dalawa kong tropang lalaki.
Minsan nga awkward pag nag uusap kami e.
Before Christmas Party (December) nag-aayos kami ng room. Nasigawan ako ng isang kaklase namin, nagalit sya sakin. Wala naman ako ginawa 'non e. Kaya nagpunta na lang ako sa ibang section naki upo sandali.
Mas lalo kaming nagka labuan ni Faith 'non. Pinag uusap kami ng adviser namin, pero sabi ko wala namang problema.
Nasanay kasi silang lahat na kaming dalawa lang lagi ni Faith ang magkasama.
Nagulat/ nagtaka nga sila bakit hindi na kami ganong magkasama e.
Nag newyear na't lahat di pa rin kami ganong okay (January). Nagpapansinan naman kami kahit papano pero di na katulad ng dati.
(February) Mas lalo ata akong napalayo sakanya. Bago na ang mga kasama ko sa room. Bago na rin ang kasabay kong mag-gala, si Dexter; na partly parang naging bestfriend ko na rin.
Mag-ma-march na at may pinaplanong recollection ang mga Third yr teachers.
RECOLLECTION DAY (March 14,2014)
Paulit ulit pumasok sa isip ko na kausapin na si Faith at mag-sorry na sakanya. Nung ang topic na ay about sa Friend, doon ko na napagdesisyunan.
Niyakap ko si Faith; nasa likod lang ako ng upuan nya. Niyakap nya rin ako, naiyak kaming pareho kahit wala pa kaming sinabi. Nagsorry ako sakanya nagsorry rin sya sakin. Iyakan kaming dalawa 'non e! Grabe. Sabi ko sakanya miss na miss na miss ko na sya, yung dating kami.
Salamat sa recollection 'non nagkabati at nagka ayos kami ng bestfriend ko.
Faith, MY BESTFRIEND
BINABASA MO ANG
Purong kabaliwan lamang
General FictionAko si thesolidlover sa wattpad. Basahin nyo 'to. May kwenta, kahit papano. Buhay nga naman oh! BASTA BASAHIN NYO NA LANG! Yung mga pangyayari sa mga chapters true to life sya na nangyari sakin.