Miss ka rin ba nya?

1.4K 2 3
                                    

Wala lang, type ko lang po idedicate sainyo. @emosyon :)

**

"Yung moment na miss na miss mo na siya, pero hindi mo alam kung miss ka na rin niya. "

_______________________________

Anong ginagawa mo kapag namimiss mo ang isang tao?

Bakit mo namimiss ang isang tao?

Nakakabaliw isipin ang mga sagot noh? Aish!

Namimiss mo sya kasi lagi mo syang nakakasama or nakakausap.

Pede rin namang namimiss mo sya kasi may kailangan ka sakanya.

Or namimiss mo lang sya dahil mahal mo sya.

What? Ano nga ba talaga?

Minsan mapapaisip ka na lang, namomroblema pa nga minsan e!

Kung namimiss ka rin ba nya?

Iniisip nya rin ba ngayon kung okay ka lang, kung kamusta ka na, kumain ka na ba? Yung mga tipong ganon.

I MISS YOU.

Ano? Bakit? Paano?

Yan ang tanong.

Ano ang I miss you?

Bakit mo sya namimiss?

Paano mo nasabi na namiss mo na sya?

Ang hirap parin sagutin ng tanong sa isip mo diba?

ALAM MO KASI, GANITO 'YON...

Hindi mo basta basta maeexplain kung namimiss mo na ba talaga sya.

Wala rin naman kasing sapat na basehan para mamiss mo ang isang tao.

Gigising ka na lang na hinahanap mo na sya. Gusto mong alamin kung okay lang sya.

Bigla bigla mo na lang mararamdaman na may kulang sa araw mo.

Parang hindi ka makukumpleto hanggat hindi mo nakikita o nakakausap yung tao na 'yon.

.

ITO PA RIN ANG ISANG TANONG...

NAMI MISS KA RIN BA NYA SA MGA PANAHONG NAMIMISS MO SYA?

~thesolidlover

Purong kabaliwan lamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon