Minsan, masakit na din. Mahirap.
Mahirap umasa sa wala. Pakshet.
Mahirap pala na sya yung gawin mong mundo mo. Na sya lang yung lahat.
Kahit pala ibinigay mo na ang lahat. May kulang pa rin.
Kahit na alam mo na sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat para sakanya. May mga bagay ka parin na hindi nagagawa.
Palagi na lang bang may kulang?
Pede bang masuklian din yung pagmamahal na binibigay ko?
Ako na lang ba yung laging talo? Yung laging naiiwan?
Gusto kong sumaya. Gusto ko lang naman sumaya.
Masama ba?
Gusto kong maging masaya.
May mahal ako. Mahal ko talaga sya.
Ginagawa ko na lahat para sakanya. Para lang na hindi nya ako iwan.
Alam ko naman na mahal din nya ako.
Siguro, kahit ginawa ko na ang lahat, may pagkukulang parin.
Pero hindi na ako susuko. Hindi ako susuko.
Ipaglalaban ko talaga 'tong pagmamahal ko para sakanya.
Mahal na mahal ko sya.
BINABASA MO ANG
Purong kabaliwan lamang
General FictionAko si thesolidlover sa wattpad. Basahin nyo 'to. May kwenta, kahit papano. Buhay nga naman oh! BASTA BASAHIN NYO NA LANG! Yung mga pangyayari sa mga chapters true to life sya na nangyari sakin.