MIN'S POV
"Salamat rito Paul" saad ko ng makalapit ako sakanya umupo ako sa tabi niya..nilingon niya ako hindi nito siguro inaasahan na gising pa ako..mag isa siya sa labas at nakatitig lang sa apoy na nasa harap niya "Mukhang malalim ang iniisip mo"
"No I'm fine-- I mean ayos lang ako matulog kana" aniya at inusog ang kahoy patungo sa apoy
"Yung kiss na sinasabi mo kanina---yung halik bakit mo ginawa yun?" tinapunan ko siya ng tingin na nagtatanong
"Ah pasensya na ulit dun sa ginawa ko..hindi ko alam kung bakit ko rin yun ginawa pero ginagawa ang halik sa mga taong nagmamahalan" paliwanag nito may konting ngiti na sumilay sa labi niya isang mapait na ngiti
"At sino ang mahal mo?" bigla kong naibulalas
"Masyado akong nasaktan ng dahil sa nakaraan kaya kami napadpad dito ni Stacey..hindi ko alam kung pano ko pa mabubuo ang sarili ko dahil nagkadurogdurog na ako" mapakla ang naging pagtawa niya kaya lumapit ako at hinaplos ang likod niya yumakap siya sakin at doon umiyak
"Siguro kaya ko namang buuin ulit ang puso mo hindi ba?"
"Sana nga..sana" sagot niya kahit anong pigil niya sa pag iyak ay nabigo siya dahil lumabas ang paghagulhol nito hinayaan ko nalang ko siyang umiyak ng umiyak kahit hindi ko alam ang nakaraan niya ay ramdam ko ang emosyong inilalabas niya malakas si Paul ni hindi ko pa siya makitang ganito kalugmok iba ang Paul na kaharap ko ngayon dahil isa itong mahina at walang lakas sa anumang bagay
"Tch haha stop the nonsense..im being dramatic again..matulog ka na nakita mo pa tuloy akong mag drama sige na" tinanong ko pa kung ayos lang siya at ang sabi niya ayos lang naman daw siya at pwede ko na siyang iwan dahil doon na daw siya matutulog sa labas ayaw daw niyang mag siksikan kami sa loob kaya hinayaan ko nalang siya dahil alam kong iyon lang ang paraan niya para mabawasan ang sakit na nararamdaman sa puso nito
KINAUMAGAHAN pagkagising ko ay ako nalamang ang tao sa kweba kaya nagtaka ako dali dali akong lumabas at doon ko sila nakitang nagtatawanan pero biglang naglaho ang imaheng nakita ko parang tinatambol sa kaba ang puso ko dahil sa hindi sila makita mabilis kong tinungo ang hilaga kung nasaan ang ilog para akong nabunutan ng tinik ng makita kong masaya silang naliligo pero nangunot ang noo ko ng hindi makita si Paul pero laking gulat ko ng may sumakop sa bewang ko
"Hinahanap mo ba ako?" binulong niya iyon mismo sa tenga ko kinilabutan ako sa ginawa niya kaya humarap ako sa kaniya ng buong lakas pero halos panlakihan ako ng mata ng pagharap ko ay konti nalamang at mag didikit na ang mukha naming dalawa pero lalo niya pang hinapit ang katawan ko papalapit sakanya
"It seems like you miss my kiss" pang aalaska nito sakin pero sa sinabi niyang yun halos lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha ko sa lapit namin sa isat isa ay nararamdaman ko ang bawat paghinga niya
"A-Ano nanamang pinag sasabi mo---
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng ilapat nanaman niya ang labi niya sa labi ko nang oras na ito ay iginalaw na niya ang labi niya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko hinawakan niya ang pisngi ko " Just-- Sundan mo lang ang labi ko" sinabi niya iyon sa gitna ng pagdidikit ng labi namin na kung tawagin niya ay halik o kiss sinunod ko naman ang sinabi niya nagustuhan niya ang ginawa ko kaya masaya ako dahil nagustuhan niya ang halik ko sabay kaming naghabol ng hininga matapos niyang bitawan ang mga labi ko matapos ang halik na iyon ay hinawakan niya ako sa may sintido at ipinagdikit ang noo namin nginitian niya ako at inakbayan ako papunta kila tatay,Nim at Stacey
.......
A/N: Don't forget to comment about my errors and you're impression...Kinain ng sistema ng typo ang keyboard... thankies😘
BINABASA MO ANG
My Cave Girl
Teen FictionIsang mayamang lalaki ang mapapadpad sa kagubatan at makikilala niya ang isang taong gubat na babae na mag papabago sa buhay niya..magiging sila kaya kahit na malayong malayo ang estado nila sa buhay?