PAUL'S POV
"Paul..run" sigaw ni Stan sa yate malayo-layo pa kami sa yate halos umiyak ng umiyak si Stacey. Wala akong magawa nanghihina ako wala akong magawa
"Tigil" may umalingawngaw na napakalakas na sigaw. Bigla akong nabuhayan ng marinig ko ang boses niya parang nanumbalik sakin ang lahat napatigil ako sa pagtakbo at sabay naming nilingon ni Stacey si Min nakita namin kung paano nila patumbahing magkapatid ang Leon at nag apir pa sila pag katapos. Ibinababa ko si Stacey at sabay kaming tumakbo papalapit sa magkapayid ibinuka ko na ang mga braso ko ng makita kong nakalahad narin ang mga braso ni Min para yakapin ako pero bigla itong bumaba at si Nim ang nayakap ko
"Masyado mo yata akong mamimiss,ah?" nakakalokong sabi niya pero agad ko siyang binitawan at tinapik sa balikat at saka hinarap si Min at Stacey na noon ay magkayap pa rin
"Ate Min can you come with us? You and Nim" sabi ni Stacey at saka niya binitawan si Min pero hinawakan niya lang ito sa pisngi ngumiti naman si Min saka ako nilingon nginitian ko rin siya at saka nagsalita
"Halika rito" sabi niya ngiting ngiti naman akong lumapit pero inunahan ako ni Nim "Bakit ate?" tanong nito para naman akong baliw na napatikhim nalang Kala ko ako..ilang beses na ba ako napahiya?
Humarap siya kay Stacey "Okay I'll repeat again..can you come with us?In the City?"
Ngiting ngiti ako dahil sa mga sinasabi ni Stacey alam kong hindi siya matatanggihan ng dalawa tumayo si Min sa pagkakaluhod at inakbayan si Nim kala ko ako? napanguso nalang ako at pinagkrus ang mga braso saka sila tinignan . Minsan ay nahuhulu kong sumusulyap sakin si Min siguro may special mention ako napahalakhak ako at nakuha ko ang atensyon nila umiling ako at sinenyasan silang magaptuloy at makikinig ako
"Hindi kami sasama" parang nawala ang saya at puso ko at iniject ang sakit napapikit ako sa sinabi ng yun ni Nim
"And why is that?" lumuluha ng tanong ni Stacey
"Alam mo kasi Stacey itong gubat na ang tirahan namin..at kayo doon kayo sa lugar niyo at kahit anong pilit mo sa isang bagay na hindi naman pwede ay hindi pwedeng mangyari. Halimbawa nalang ay kinuha mo yung isda sa ilog at inilagay sa lupa,sa tingin mo mabubuhay kaya siya? hindi kasi hindi iyon ang tahanan nila" nakangiti man si Min ay may lungkot sa mga mata nitl
"But---
" Tahan na..masaya kami at makakauwi na kayo..mag iingat ka roon ha..lagi mong tatandaan ang mga itinuro ni Tatay sayo at namin" yumakap ulit siya rito at ginulo ang buhok umayos siya ng tayo at humarap sakin nginitian niya ako
"Mag iingat kayo" ngiting ngiti siya sakin at saka ako tinalikuran nagsimula na silang maglakad papalayong magkapatid
"Hanggang dito nalang ba?" kunot noong sabi ko habang nakapikit parin
"Hindi pa Paul..magkikita ulit tayo" nakatalikod niyang sagot. Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya patalikod naninikip ang dibdib ko
"Bakit hindi kayo sumama sakin?" ako
"Gusto mo ba ulitin ko ang rason ko kay Stace---" hindi ko na siya pinatapos magsalita at hinalikan ko na siya. Hindi ko hinawalay ang mukha mo sa mukha niya at ipinagdikit lang ang mga noo namin nakita ko naman ang pag iyak niya alam kong nahihirapan lang siya kaya niya nasasabi ang mga binibitawan niya ngayon
"Paul hijo..Halika na maabutan tayo ng bagyo" sigaw ni Tito lalo akong nahihirapan
"Sige na..mag iingat kayo kailangan na naming umalis ni Nim at pupunta kami sa Silangan" sabi niya
"Silangan?Ano ang gagawin niyo doon?" kunot noong tanong ko sasagot na sana siya pero hinila hila na ni Stacey ang kamay ko imbes na sumagot ay nginitian lang ako nito at dahil nanghihina ako ay hindi nako nakapalag sa paghila sakin ni Stacey kahit malayo na kami sa isa't isa ay kita ko ang pag punas niya ng mga luha at saka iwinagayway ang kamay sa ere nakangiti siya kahit na may luha ang mga mata
TULUYAN kaming nakasakay sa yate at unti unting nawawala ang image ni Min kahit wala na akong makita ay nakatunghay parin ako sa dalampasigan
....

BINABASA MO ANG
My Cave Girl
Genç KurguIsang mayamang lalaki ang mapapadpad sa kagubatan at makikilala niya ang isang taong gubat na babae na mag papabago sa buhay niya..magiging sila kaya kahit na malayong malayo ang estado nila sa buhay?