MIN'S POV
"Tayyyy punta tayo sa timog" nakangiti kong bungad rito ng magising siya..nauntog ito ng dahil sa biglaang pagbangon kamot kamot niya ang ulo habang iniinda ang sakit
"Anak bawal yun"
"Eh sa silangan?"
"Bawal"
"Palagi nalang Hilaga ang napupuntahan natin tay" nakasimagot kong saad Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at lumabas ng kweba doon ko nakita Nim na nakaupo sa bato at kinakalkal ang ilong niya at punas ng punas kung saan saan lumapit ako at inakbayan siya akma niya akong pupunasan
"Wag mong ilapit ang kamay mo sakin kung ayaw mong makakain ng ulo ng palaka" tila nasindak naman siya at ipinunas nalang ito sa batong katabi niya ayaw niya sa lahat ang ulo ng palaka na madalas naming pagkain ni Tatay paborito namin yun
"Punta tayo ng Timog Nim"
"Bawal dun ate.."
"Pati ba naman ikaw Nim bawal dun" ngumuso ako
"Mamayang gabi pwede" ngumisi siya saka humarap sakin
"Oo nga naman no..ang talino mo bunso" yumakap ako sakanya
"Wag kang lalapit pupunasan na talaga kita..nakakadiri ka ate" kahit na nagbanta siya ay hindi ako humiwalay sa pagkakayakap sakanya naramdaman ko nalang na yumakap narin siya sakin kaya napangiti nalang ako
NATUTULOG si tatay ng palihim kaming umalis ni Nim sa kweba halos patakbo kaming nagtungo sa timog
"Wahh ang ganda dito Nim araw arawin natin to" masayang sabi ko rito nahiga siya sa damuhan at pinanuod ang buwan nakahiga siya sa mga brasong naka krus kaya tumabi ako sakanya at nahiga rin sa tabi niya
....

BINABASA MO ANG
My Cave Girl
Fiksi RemajaIsang mayamang lalaki ang mapapadpad sa kagubatan at makikilala niya ang isang taong gubat na babae na mag papabago sa buhay niya..magiging sila kaya kahit na malayong malayo ang estado nila sa buhay?