Chapter 23

26 1 0
                                    

MIN'S POV

"Ang baho naman ng utot mo Stacey..seryosong usapan ano ang kinain mo?" tinakpan niya ang ilong niya at tila asiwang asiwa sa naamoy

"Thanks to Tatay I understand what you're saying now..I didn't utoting" marating sabi nito saka pinalipad ang buhok niya at pinagkrus ang braso

"Utoting mo mukha mo..Arte nito itapon kita sa bibig ng napakalaking palaka na nakita ko"

"Min he want me to die" umiyak ito ng umiyak kaya pinagtawanan namin siya

"Biro lang yun..para na namin kayong mga kapatid" bawi ko rito saka siya nginitian pero angsama ng mga titig sakin ni Paul ano kaya problema nito?

"Really?" mukhang nakahanap siya ng pag asa kaya tumango nalang ako pinunasan niya ang luha at saka tumayo itinaas niya ang dalawang kamay at inilagay sa bewang saka ngumiti at niyakap si Nim Panay naman ang salita niya sa sariling lenggwahe lumapit naman sakin si Paul at tinusok  tusok ang bewang ko pero hindi ko siya nililingon at panay kila Nim ang paningin na noon ay nag kikilitian na. Nakanguso na si Paul ng harapin ko siya

"Mag kapatid talaga? Akala ko ba mahal mo ko?" lalo pa siyang ngumuso

"Totoo  naman ah"

"Alin sa dalawa ang totoo?"

"Pareho" seryosong saad ko

"Pareho pala ahkiniliti niya ako sa sobrang kong tawa ay napahiga ako pumatong siya sakin na panay parin ang kiliti kaya sige ko rin ang tawa napuno ng tawanan ang gubat

"Looks like you're having fun" napatigil kaming lahat sa pagtawa at napalingon sa mga taong nakatingin samin

"Yahh kuya" halos maitulak na niya si Nim at nagtungo sa tinawag niyang kuya nagyakap naman sila

"How's my baby? Did you miss me?" tanong ng lalaki

"Stop calling me that..you have no rights to call me that only Paul.." nang aasar na sabi nito ngumuso naman ang lalaki at binalingan kami tumagilid ang ulo nito kaya ginaya ko siya napatawa naman ito

"Paul okay ka lang ba?" tumayo si Paul at pinagpag ang damit saka ako tinulungan makatayo humarap siya sa matandang lalaki at  yinakap

"Ayos lang ako Tito..Salamat sa mabilis na response"

"Ay yung nanay mo ba naman e..pinapahanap ka baka raw nawala ka na tapos nakahinga siya ng maluwag ng tumawag ka" nakangiti niyang sabi kay Paul saka ako hinarap

"At sino siya?"  nakangiti niya akong tiningnan

"Siya si Min.." humarap siya sakin saka ngumiti at hinarap si Nim "At si Nim kapatid niya"  tumango naman ang lalaki at nginitian ako

"Did mom ask where is me?" tanong ni Stacey habang karga parin siya ng kuya

"Nope, cause he knows you're with Paul" ngumiti ito saka tumingin samin  "And now we can go home"

"Oo bukas ng umaga ay aalis na tayo" sabi ng matandang lalaki na tinawag na Tito ni Paul

"Bukas?Bakit bukas pa?" tanong ng kuya ni Stacey . Lumapit naman ang magandang babae saka tumingin kay Paul nilingon ko naman si Paul at nag iwas lang siya ng tingin

"Paul.." sabi ng babae

"Hi Bela.. how are you? Masaya kayo ni kuya?" halos nanlaki ang mata ng babae sa tanong ni Stacey pero agad ring nakabawi

"Nagsasalita ka na ng tagalog" ngumiti ito saka lumapit at akmang hahalik pero umiwas si Stacey at bumaba sa pagkakayakap sa kuya at pumunta sa likod ko

"She's a bad girl Min..Bela makes Paul cry" nawala ang ngiti sa labi ng babae at tumingin saki nginitian ko lang siya lumapit siya sakin

"Ako ang girlfriend ni Paul..ikaw?sino ka?" nakangiti niyang tanong at inilahad ang mga kamay nangunot ang noo ko at tinitigan ang kamay niya


"Ah" ngumiti siya sabay bawi ng kamay saka siya lumapit kay Paul at humalik sa pisngi nito

Siya ba ang nakaraan ni Paul?Lumayo kami ni Nim at naupo sa isang gilid marami na ang bisita.


......

My Cave GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon