MIN'S POV
"Min halika na kailangan na natin makabalik sa kweba" pagtawag sakin ni Nim pero tila wala akong naririnig at patuloy lang sa pagkaway kahit hindi ko na namataan ang sinasakyan nila na may kapangyarihang lumutang sa tubig pumulot ako ng bato at inihagis sa dinaanan nila Paul
"Mahal kita Paul" sigaw ko matapos ihagis ang bato at tuluyan na akong nag pahila kay Nim masyado akong nasasaktan sa paglisan niya at tama ang ginawa kong hindi pagsama sakanila dahil hindi kami nababagay roon
"Saan kayo galing?" bungad na tanong samin ng kapatid ni Vinyl si Angro ang kasing edad ni Nim na batang lalaki
"Diyan lang" sagot ko
"Saang diyan lang?" pang uusisa niya pero tinignan ko lang siya at natahimik naman ito
"Halika na..sumasama na ang kalangitan baka naabutan tayo sa daan" sabi nalang nito at saka naglakad
"Dito muna ako sa kweba..susunod ako maya maya lang" saad ko at naupo sa batong madalas upuan ni Paul tiningnan lang ako ni Nim at tumango siya saka umupo sa tabi ko
"Sasamahan kita ate..mauna kana Angro susunod kami" wala ng nagawa ito at umalis na
NAGHINTAY kami ni Nim ng mahabang oras minsan nga ay binabalik balikan namin ang dalampasigan kung saan sila umalis at umaasang babalik sila
"Ate halika na..kanina ka pa nakatitig diyan sa tubig wala namang nangyayari bumalik na tayo sa kweba at balik nalang tayo rito bukas" sabi niya
LUMIPAS ang ilang mga araw at hindi na bumalik si Paul hindi rin kami sumunod kay Angro sa Silangan dahil nagbabakasakali kami na babalikan kami ni Paul rito sa kweba
"Min halika na..lagot tayo nito kay Angro ang tagal na nating nanatili rito..mapuputulan ako niyang sa ginagawa mo,e" si Nim
"Sige" tumayo ako at nagpamaunang mag lakad humabol naman sakin si Nim
"Sigurado ka ba diyan? Hindi na tayo makakabalik kapag pumunta na tayo roon"
"Ayaw ko sana..kaso sabi mo mapuputulan ka mahirap na" pinilit kong ngumiti at inakbayan siya saka kami tuluyang naglakad papunta sa Silangan
"Susuko ka na ba sa paghihintay?" nanlaki ang mata ko sa narinig at halos maitulak ko si Nim ng marinig ang boses ni Paul patakbo akong lumapit sakanya at yinakap siya
"Ayan tayo e, kapag wala ang bait sakin kapag nandyan na halos itapon ako" kahit nagbibiro ay alam kong masaya rin siya at bumalik si Paul
"Masyado kitang namiss kaya bumalik ako..ako parin naman ang mahal mo diba?" nakangiti niyang sabi pero umiling ako bagsak ang balikat niya ng titigan ko siya sa mata "Hindi mo na ako mahal?" dagdag niya
"Hindi na kita mahal...mahal na mahal na kita" sabi ko. Nawala ang lungkot niya at napalitan ng napakalaking ngiti
"Pumunta ako rito kasi palaging umiiyak si Stacey dahil gusto ka na raw niya makita at bukod dun gusto ko rin makita ang taong mahal ko..pasensya sa matagal na paghihintay" yinakap niya ako ng mahigpit "Ngayon ang gusto ko ay sumama na kayo sakin sa Manila at doon tayo titira..nag pagtayo narin ako ng bahay para satin hindi na kweba" lalong lumaki ang ngiti niya umiiyak naman akong nakangiti at napansin ko nalang na nagdikit na ang mga labi namin
"Palagi niyo nalang yan ginawa" si Nim kumuha siya ng baging at itinali kami "Para wala ng aalis" nakangising dagdag niya
"Haha loko" sabay naming sabi ni Paul masaya ako at bumalik siya para sakin
....

BINABASA MO ANG
My Cave Girl
Teen FictionIsang mayamang lalaki ang mapapadpad sa kagubatan at makikilala niya ang isang taong gubat na babae na mag papabago sa buhay niya..magiging sila kaya kahit na malayong malayo ang estado nila sa buhay?