Chapter 2

11 0 0
                                        

"Kailan ka pa natutong mag-basketball? Parang expert na expert ka na ah," napangisi ako sa sinabi ni Nikko.

Nandito kami ngayon sa table at abala ang iba na pumili ng gusto nilang kainin.

"Expert? Di naman haha. Tinuruan lang ako ng papsi ko nung bata ako then now sumasali ako sa mga laro pero di ako super galing. Marunong lang," umalis na ang iba para umorder. Ako, si Nikko, Jake at yung iba pang kasamahan nila ang naiwan sa table.

"Maniniwala ka ba pare kung sabihin ko sayong natalo na din ako ni Misty sa 1v1 game namin last week?" natawa na lang ako sa reaksyon ni Nikko ng marinig niyang sabihin iyon ni Jake.

"Just wow! Bat hindi ka sumali sa girls basketball team? Si Sir Malts ang may handle kaya you should try, alam kong magiging isa ka sa asset ng team," sagot ni Nikko.

"Yeah, actually kaya kami nasa gym ni Stacey kanina is because tuturuan ko dapat siya dahil nga gusto niya daw sumali but hindi siya marunong. So, bago pa magsimula ang training with sir Malts, gusto ko sana siyang turuan para sa mismong training ay alam na niya ang gagawin niya."

"You're right. Puspusang training ang gagawin niyo same as what we did dahil nga kayo ang lalaban para sa intrams," napaisip ako sa sinabi ni Nikko.

Kami ang representatives ng school namin para sa intrams at ang makakalaban namin ay ang isa pang sikat na school which is laging nakakalaban ng school namin pagdating sa mga iba't ibang sports.

Di ko naman makakailang magaling ang school na iyon but to think of it, mas maraming napapanalunan ang school namin compared sa kanila kaya talagang seryoso silang matalo kami.

"Kain na tayo guyssss!!" narinig ko na ang sigaw ni Stacey. Kasunod naman niya ang iba pang players na silang pinagbuhat ni Stacey ng mga inorder namin.

"Kayo yung may pustahan kami pa ng pangit na yan ang nang-libre!" tinignan ng masama ni Stacey si Patrick. "Gago ka? Kung hindi mo ko inaway edi sana hindi tayo ang nanglibre ngayon. Todo cheer ka dyan sa manok mo talo naman," napaubo ng malakas si Nikko dahil sa sinabi ni Stacey.

Gaga talaga tong babaing to. HAHAHAHA.

"Kunwari ka pa crush mo lang ako kaya kahit di kita pinapansin, nagpapapansin ka. Sorry di kita type," sagot ni Patrick.

"Booooooo!!!"

"Araykobhe!!"

"Bars hahahahah!!"

Isang malakas na sigawan at tawanan ang nangyari dahil sa sinabi ni Patrick kaya bago pa patulan ni Stacey ay inawat ko na.

"Pwede ba? Kumain muna tayo tapos saka na kayo maglambingan pag tapos kumain. Kung pwede lang." Kitang kita pa din ang nakamamatay na tingin ni Stacey kay Patrick dahil hindi na siya nakabawi kanina.

Habang kumakain ay di pa din nawawala ang tawanan. Ngayon lang kami nagkakila-kilala pero parang ang tagal na naming magkakaibigan.

"Ikaw Misty, may boyfriend ka ba ngayon?" tanong ni Julius.

"Boyfriend? Hahaha, wala. Wala akong interes sa ganyan," nagpatuloy kami sa pagkain at napatigil kami sandali ng magring ang phone ko.

"Sige kain lang kayo, sagutin ko lang to. Excuse me," nagpunta ako sa labas at nakita kong unregistered number ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko pero walang nagsasalita sa kabilang linya.

"Sino to? Sumagot ka, inaaksaya mo ang oras ko." pero hindi pa din talaga sumasagot ang kausap ko.

The Game Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon