Chapter 3

2 0 0
                                        

Maaga akong pumasok sa school at ganon din si papa na maagang pumasok sa trabaho. Siya ang namamahala sa isang executive village malapit dito sa amin.

-And I was dying inside to hold you. I couldn't believe what I felt for you. Dying inside, I was dying inside🎶-

Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Stacey.

"Hello? Bakit?" tanong ko.

"Misty, nandyan ka na ba sa school? Pwedeng favor? Naiwan ko ata sa bench yung relo ko. Hindi pwedeng mawala yun, bigay sakin ni mommy yun at lagot ako pag nawala yun huhuhu," shunga talaga ng babaing to. Di man lang namalayan na may nawala na sa kanya.

"Sige, hahanapin ko. Pero sana naman ingatan mo yung isang bagay kung alam mong importante. Saka mo lang iiyakan kung kailan wala na," narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya kaya in-end ko na ang tawag.

Dumiretso nako sa gym at wala pang tao. Agad akong umakyat sa naging pwesto namin ni Stacey kahapon at nakita ko nga ang relo niya. Agad ko iyong kinuha at nung pababa na ako ay may biglang humarang sa akin.

"Hi babe," napapikit na lang ako ng mariin ng makumpirma ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Lumayas ka dyan kung ayaw mong masaktan. Di ako pumapatol sa pangit," napahagikgik si Kurt sa sinabi ko. Oo, itong punyetang Kurt na to ang kaharap ko ngayon.

"Masyado ka namang hard, babe. Easy lang hahaha, kiss kita," nakita kong papalapit siya sa pwesto ko kaya agad akong lumayo sa kanya.

"Talaga bang patay na patay ka sakin at talaga nga namang pati dito sa gym ng ganitong ka-aga ay sinundan mo ako? May gusto ka ba sakin?" napangisi ako ng makita kong napakagat labi siya sa sinabi ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa baywang pero agad akong lumayo at dumistansya mula sa kanya.

"Kapal naman ng mukha mo, babe. Ikaw nga 'tong sumunod pa sa akin ng ganitong oras dito sa gym dahil nalaman mong dito ako tumatambay pag umaga."

Tumawa ako ng malakas, as in super lakas at nag-echo pa sa loob ng gym ang tawa ko. Nakita ko namang nakitawa din siya, feeling close amp.


"Hahahahahahaha! Lumayas ka na sa harap ko, di ako natutuwang makita ang pagmumukha mo," aalis na sana ako ng hilahin niya ang braso ko at idinikit niya ang kanyang labi sa tenga ko kaya nagtaasan ang balahibo ko.


"See you around, babe. Love you," pagtapos niyang sabihin iyon ay agad ko siyang sinampal at saka ako nagmadaling lumabas ng gym.


Narinig ko pa ang tawa niya bago ako tuluyang makalabas. Sira ulo ata yon. Nasampal na, natuwa pa.

——

"Bessywappp! Nakuha mo ba? Huhuhu maraming salamatttt!" tinignan ko ng seryoso si Stacey ng umupo siya sa harapan ko.

"Magreview ka na, may test tayo ngayon sa accounting," saka ko inabot sa kanya ang relo niya at bumalik sa binabasa ko.

"Ano yang binabasa mo? Novel? Anong Novel? Hmmm sige mamaya na lang hehe."

Lumipas pa ang ilang minuto at dumating na nga ang prof namin at agad na nagbigay ng test papers.

"Class, please seryosohin niyo ang test na iyan. I hope sana lahat makakuha ng mataas ng score. Ang bumagsak ay ipapatawag ko mamaya sa office ko. Good luck," nagsimula na ang lahat na magsagot at ng mapatingin ako kay Stacey ay mukhang hirap na hirap siya.

The Game Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon