Chapter 1

21 1 0
                                        

Kasalukuyan kaming nag-iingay nang biglang dumating ang teacher namin sa PE.

"Sino ang represenatives ng section niyo sa instrams para sa basketball?" napatingin ako sa teacher namin na nasa harapan.

Nagtaasan agad ng kamay ang mga kaklase kong lalaki at halatang mga excited. Tss.

"How about girls?" natigilan ang lahat pati ako sa sinabi ng teacher namin. "Sir, ibinalik na po ang basketball para sa girls?" tanong ng president namin.

Dati kasi ay ipinatigil ng Principal namin ang basketball para sa girls dahil may tatanga-tangang babae na sumali-sali ng basketball, di naman pala marunong. Gusto lang magpa-cute sa mga varsity ng school namin kaya ang ending, si ate gurl na shunga, nabalian ng buto dahil nadaganan ng isang player at nabagok ang ulo.

"Yes. At ang lahat ng kababaihan na sasali sa basketball ay ite-train ng mabuti at hindi na 'to basta-basta dahil mas lalong pinahigpit ang practice. Kaya girls, sumali kayo dahil gusto niyo, hindi para magpa-cute at---" hindi pa siya tapos magsalita ay sumigaw ako.


Pag di ko pa pinigilan tong teacher namin na magsalita, nako! Ubos ang oras sa kakadaldal niya.


"AKO!" nagtinginan silang lahat sa akin. "Yes, Ms.Garcia? What can I do for you?" shunga naman neto  ni sir, magtatanong kung sino sasali sa girls tapos may pa-yes-yes pang nalalaman pwe! hahahaha.


"Sasali po ako," sagot ko at saka tumayo. "Hindi pwede doon ang maarte, pabebe---" napakamot na lang ako sa batok ko at saka ko ulit siya pinigilang magsalita.

"Alam ko po. At alam ko po ang ginagawa at gagawin ko," naupo na ako at saka kinain yung natira kong kitkat.

Nakita kong inilista na niya ang pangalan ko at saka na din nagpalista yung ibang kaklase kong babae.

"Hello Misty! Marunong ka ba?" tanong sa akin ni Stacey, classmate ko. Kumagat muna ako bago ako sumagot.

"Sasali ba ako kung hindi ako marunong? Magmumukha lang akong tanga kung sasali ako ng wala man lang akong alam sa sinalihan ko," natahimik siya sa sinabi ko at maya-maya ay humarap ulit siya sa akin.


"A-ano kasi.. H-hindi pa kasi ako marunong.. gusto ko sanang matuto..  gustong-gusto ko talaga kaso walang nagtuturo sa akin, kung okay lang, p-pwede bang.. turuan mo ako?" tinignan ko siya. Mabait tong babaeng to pero di kami masyadong close.


"Hindi ako ang coach. Dun ka sa coach magpaturo dahil tuturuan lang din nila ako," napayuko siya sa sinabi ko at pagtapos ay pilit na ngumiti.


"S-sige.. s-salamat na lang.." bumalik siya sa upuan niya na isang upuan lang ang pagitan naming dalawa. Kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot.


Nyetaaaa! Nangongonsensya ba siya?!


Ilang minuto pa ang tumagal at umalis na rin ang teacher namin. Wala na kaming klase sa susunod dahil uwian na din. Bago pa siya makalabas ay hinarangan ko siya sa pinto.


"Tara na," tinignan ko lang siya at saka na ako naglakad paalis. Nang naramdaman kong hindi siya sumusunod ay humarap ulit ako sa kinaroroonan niya. "Sasama ka ba o hindi? Sinasayang mo ang oras ko," prangka kong sabi sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin.


"Saan tayo pupunta?" napairap na lang ako sa kawalan. "Sa planeta mo. Sasamahan kita sa planeta mo at sasabihin kong wag ka na nilang ibalik dito sa mundong to."

The Game Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon