Chapter 6

1 0 0
                                        

"WALANGHIYA KA TALAGANG LALAKI KA!!!" agad akong pumasok sa kotse niya at saka ko hinila ang uniform na suot niya.


"MANG MAMANYAK KA NA NGA LANG, AKO PA NAPILI MO! PWEDE BANG LUBAYAN MO NA AKO AT WAG NA WAG KA NG MAGPAPAKITA SA AKIN!" hindi nako nakapagtimpi at tinulak ko siya ng malakas sa kinauupuan niya.

"Napakasadista mo talaga, babe. I love it," hindi pa din nawala ang ngisi sa labi niya kaya mas lalo akong nainis.

"ARGGGGGGGHHH!! NAKAKABWISIT KA TALAGANG HALIMAW KA!!!"

Dali-dali akong lumabas ng kotse niya at pinakalma ko ang sarili ko. I can't take him anymore! Feeling ko ay sasabog na ako sa sobrang bwisit ko sa lalaking 'to! Paglabas ko ay nakita ko siyang tumawa pa ng tumawa na parang baliw sa loob ng sasakyan niya.

"PAKYU KA! WAG NA WAG MO NA AKONG SUSUNDAN KUNDI MAPAPATAY NA TALAGA KITA!" Di nako nagdalawang isip na sumakay sa jeep na tumigil sa harap ko. Mababaliw ako sa lalaking yon kung hindi pa ako umalis!

Pag-uwi ko ay wala pa si papa. Siguro madami pa siyang ginagawa. Ang tahimik sa bahay kaya naman naisipan kong...

"GRRRRR!!!! NAKAKAINIS KA TALAGANG KURT NATHANIEL VILLANUEVA KA!!! WAHHHH!! HAYOP KAAAAAA!!!!!!" para akong baliw sa bahay kakasigaw. Anong magagawa ko?! Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang inis!

Sumakay na nga ako sa jeep kahit baligtad ang damit ko. Pinagtitinginan nila ako pero pinandidilatan ko sila ng mata kaya wapakels sila!


-And I was dying inside to hold you. I couldn't believe what I felt for you. Dying inside, I was dying inside🎶-

"Hello paps? Pauwi ka na?" tanong ko kay papa sa kabilang linya.

"Baby ko hindi pa e, baka mamaya pa ako makauwi may tinatapos pa ako dito sa office. Kumain ka na lang dyan ha, magluto ka. Wag kang magpapagutom," I see. Sabi na e, busy si papsi.

"Sige po, ingat ka dyan paps ha? I love you so much forever forever forever!!!" narinig ko namang natawa din si paps sa kabilang linya.

"I love you too baby ko forever forever forever!!!" In-end ko na ang tawag at saka nagpahinga. Pagod na pagod ako sa araw na 'to. Kung di pa ko magpapahinga baka mategi agad ako ng wala sa oras.

Nagbihis muna ako at sinigurado kong tama ang pagkakasuot ko ng damit! Kumain saka naligo ako sandali at saka nagpahinga na. Habang nagpe-facebook ako ay may nag-add sa akin.


Kurt Villanueva.


At talaga nga namang ang kapal ng pagmumukha ng lalaking 'to para i-add ako! Sa tingin ba niya iko-confirm ko siya? Hell no! Agad kong binura ang friend request niya sakin at saka nag scroll down lang at tumingin ng mga post ng mga friends ko.

Maya-maya pa ay may nag-pop up sa screen ng phone ko na may nag request message sa akin.


Kurt Villanueva:

Lumabas ka ng bahay niyo, nandito ako sa labas. Naghihintay sayo, babe.

Halos mahulog ako sa kinahihigaan ko ng mabasa ko ang message ni Kurt. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ako bumaba at sumilip lang sa terrace ng kwarto ko. May nakita akong kotse sa tapat ng bahay namin.



asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm!!!!!

Nakita ko siya na nasa loob ng sasakyan at saka nagta-type sa phone niya kaya mabilis akong nagtago. Anong ginagawa ng lalaking yan sa labas ng bahay namin?! What theeee!!!! Hindi kaya sinundan niya ako kanina?!

Kurt Villanueva:

Hindi ako aalis dito hanggat di ka lumalabas. I'm waiting for u.


Sinilip ko ulit siya at para siyang magnanakaw na nagmamasid sa labas ng bahay namin. Bumalik na ako sa kama ko at saka humiga. Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niyang umalis dyan sa labas! Hindi ko na kasalanan yan kung matigas ang mukha niya! Hindi ko binuksan ang message niya at saka pumikit. Kailangan ko na magpahinga.

Pero kahit nakapikit ako ay naiisip ko ang nakakainis na pagmumukha ng Villanueva na yon. Grrrrrrr!!! Naiinis akoooo!!! Hanggang dito ba naman sa bahay namin ay sinundan niya pa din ako?!


Gusto ko ng katahimikan utang na loob!!!


Nakatulog na ako sandali ng marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Baby ko? Anak, gumising ka sandali at bumaba ka," kahit antok na antok ako ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa orasan ko. 9:30 na pala ng gabi.

"Kanina ka pa ba dyan, hijo?" tanong ni papsi. "Paps, kanina pa po ako nakauwi———" kasabay ng pagsagot ko ay may nagsalitang isa pa.

"Kanina pa po, hinihintay ko po siyang pagbuksan ako ng pinto kaso ayaw niya talaga eh," nawindang ang kaluluwa ko ng makita ko kung sino ang nagsalita.


"VILLANUEVA?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko sa kanya at hindi agad siya nakapagsalita ng makita ako. Tinignan pa niya ako simula ulo hanggang paa. Pinakiramdaman ko ang paligid at saka ko lang na-realize na nakasando lang pala ako at saka naka maikling short. Watdapak! Manyak nga pala ang hinayupak na 'to!!!

Agad ko siyang hinila patayo at ready na akong palabasin siya sa bahay pero pinigilan ako ni Papsi.

"Baby ko, hindi dapat ganyan ang pagtrato sa manliligaw mo," napanganga na lang ako sa sinabi ni papsi at saka ko tinignan ng masama si Villanueva.

"Paps anong manliligaw ang sinasabi mo dyan?! Kaaway ko 'tong lalaking 'to kaya bakit niyo siya pinapasok dito sa bahay?" nakita ko namang kalmado lang si papsi at saka umupo sa sofa.

"Eh kasi nga anak manliligaw mo siya kaya pinapasok ko siya. Kanina pa siya naghihintay dyan sa labas at nakita kong nakatulog na dyan sa may gate kaya pinapasok ko muna," tinignan ako ni papsi at para siyang nang-aasar.

"Baby ko may manliligaw ka na pala, hindi mo man lang sinasabi sa akin," nakita ko namang naupo si Kurt sa harap ni papsi habang nakangiti. Ang kapal talaga ng mukha!!!

"Paps, hindi ko nga po manliligaw ang lalaking 'yan! Pwede ba, Villanueva lumayas ka na! Dun ka na sa kotse mo matulog!!!" hinihila ko na siya para lumabas pero ayaw talaga magpahila at lalo pang nagpapabigat.

Tumawa naman ng malakas si papsi at saka tumingin sa akin. "Ganda naman ng anak ko! May kotse na yung nanliligaw pero ayaw pa din. Hahahahahaha! Ayaw sa may car!" nakita ko namang tumawa din si Kurt at nag-apir pa sila ni papsi.


"PAPS ANO BA! PAPALAYASIN MO ANG LALAKING 'YAN O AKO ANG LALAYAS DITO NGAYON NA?!" hindi pa din tumigil si papsi sa kakatawa kaya di nako nagsalita ako saka nagmadaling umalis at nagtungo sa hagdan ng magsalita si papsi.

"LALAYAS KA O IPAPAKASAL KITA DITO SA LALAKING ITO NGAYON NA? GIGISINGIN KO SI FATHER KAHIT NATUTULOG NA SIYA NGAYON, GUSTO MO?" napakapit na lang ako ng mahigpit sa hagdan.


Lord, bakit po ganito ang tatay ko ngayon!!!

"Babe, 'wag kang mag alala, hindi naman kita sasaktan e," tinignan ko agad siya ng masama at saka dahan-dahang lumapit sa kanya. "SIGE PO PAPS! PWEDE PO BANG MAG-USAP LANG KAMI NG MANLILIGAW KO NGAYON SA LABAS?!" pinandilatan ko ng mata si Villanueva at agad na ngumisi si papsi.

"Sige anak, sa labas lang kayo ha? Usap lang, bawal ang touch," saka ulit siya tumawa ng malakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon