Chapter 4

1 0 0
                                        

"Oh, Misty! Nandyan ka na pala, di mo man lang kami hinintay."

"Misty, kanina ka pa dyan?"

"Huy Misty! Alam mo bang nakapasa ako dun sa test namin kay Ma'am Ferrer kanina? Sayaaaa!"

"Tol? Hoy Misty! Teka sasapakin kita!"

Agad akong napatingin kung sino ang ang nagsabing sasapak sakin. "Sasapakin mo ako?" tanong ko kay Jake.

"Syempre.... hindi! Ano ba kasing nangyari sayo? Mukha kang nakakita ng multo. Gwapo ang kaharap mo hindi multo," tumabi naman sakin si Jake. Inirapan ko na lang si Jake dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang kapal din ng fes ng isang 'to.

Nasa isang bilog na mesa kami dito sa canteen at katabi ni Jake ay si Nikko. Katabi ni Nikko ay si Patrick, katabi niya ay si Stacey at katabi niya ay si Kevin, at katabi ko si Kevin.

Ako - Jake - Nikko - Patrick - Stacey - Kevin - Ako

"Teka, oorder muna kami. Ang daya mo di mo man lang kami niyaya e," umalis na silang lahat para umorder at ako ang natira sa pwesto.

"You got a perfect score and I would like you to help Mr.Villanueva in my subject. You will be his tutor, Ms.Garcia."

"You got a perfect score and I would like you to help Mr.Villanueva in my subject. You will be his tutor, Ms.Garcia."

"You got a perfect score and I would like you to help Mr.Villanueva in my subject. You will be his tutor, Ms.Garcia."

"You got a perfect score and I would like you to help Mr.Villanueva in my subject. You will be his tutor, Ms.Garcia."

"Misty!"

"Pakshet! Ano?! Bat ba ang bilis niyo umorder? Kaka-alis niyo lang ah!" nakita ko silang bitbit na nila ang mga tray nila at isa-isa ng umupo.

"Kanina pa kaya kami umalis, actually 7 minutes na to be exact. Tapos sasabihin mong kakaalis lang namin?" sagot ni Patrick at inirapan pa ako. Minsan talaga tatamaan na 'to sakin e!

"Tol may problema ka 'no? Share naman dyan," napatingin lang ako kay Jake. Sasabihin ko kaya? Pero nandito pa 'tong mga chismosong 'to.

"Kilala niyo ba si ————" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng may umakbay sa akin at may bumulong sa tenga ko.


"I'll wait for you after class. See you later, babe."

Naramdaman kong nagbagsakan ang mga kutsara't tinidor nila sa kanilang mga pinggan. Parang may dumaan na anghel dahil sa katahimikan na nangyayari ngayon. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa ginawa niya.

"M-misty?! Waitttt! Boyfriend mo si Kurt Nathaniel Villanueva?" sigaw sa akin ng isang ka-schoolmate ko na hindi ko naman kilala.

"Iba ka din Dawn Misty ah! Si pareng Kurt ang nais hahaha!" narinig kong nagtawanan ang grupo ng kalalakihan.

"Misty ano yon? Anong mayroon sa inyo ng Villanueva na yon? Kaya ka ba nagkakaganyanan ay dahil sa kanya?" agad akong napatingin kay Jake.

Ngayon niya lang ulit ako tinawag sa pangalan ko kaya agad akong napatingin sa kanya at pinilit kong gisingin ang diwa ko.

Nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. "Ha? A-anong nangyari?"

"Anong mayroon sa inyo ni Kurt Villanueva?" nabaling ang atensyon ko kay Nikko na siya namang nagtanong.

"Ha? Wala. Syempre wala, kaaway ko yun e!" depensa ko.

The Game Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon