Nakakabaliw. Hindi ko alam kung makakatagal ako dito sa Kurt Nathaniel Villanueva na 'to.
Nagbasa siya pero wala siyang naintindihan?!
"WALA KANG NAINTINDIHAN?!" sigaw ko sa kanya. Agad niyang isinara ang libro at saka nahiga.
"Sinabi ko na sayong wala akong natutunan. Gusto kong pumasa pero ayokong mag-aral," agad akong napatingin sa kanya.
"BALIW KA BA?! SINONG TAO ANG MAKAKAPASA KUNG HINDI MAN LANG NAG-AARAL? SINASAYANG MO LANG ANG ORAS KO. KUNG AYAW MONG MAG-ARAL PWES AYOKO DING TURUAN KA!"
Hindi na ako nakapagpigil at agad kong kinuha ang bag ko. Aalis nako sa lugar na 'to! Wala akong mapapala dito.
"Where are you going?" hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ako sa paglalakad. "HEY BABE! STOP!" nakakapikon na siya!
Imbis na nakakapag-practice ako ngayon, wala! Nganga! Sinayang ng lalaking 'to ang oras ko! Nakarating na ako sa labasan at naghihintay ng masasakyan.
"Babe!!!" kapal talaga ng mukha! Nakuha pang tawagin akong babe e hindi naman babe ang pangalan ko.
"Ok, ok, tara na! Ibabalik na kita sa school," nakita kong nakasakay na siya sa sasakyan niya at binuksan na niya ang pinto sa passenger seat.
"Manong sa Southside High po tayo," pero agad akong sumakay sa tricycle na tumigil sa harap ko. Habang nasa byahe ay nakamasid lang ako sa paligid.
Ang ganda.
Babalik ako sa lugar na 'to ng hindi na kasama ang mokong na yon! Pagdating sa school ay nagdiretso agad ako sa gym at nakita ko silang nagte-training na.
"Coach," napatingin agad sa akin si Sir Malts ng tawagin ko siya. "Garcia! Finally you're here! Alam mo ba kung anong oras na?" napakamot na lang ako sa batok ko at
"I'm sorry, sir. Kasama ko po siya kani-kanina lang, niyaya po niya ako na makipagdate sa kanya e. May training pala siya kung alam ko po edi sana nakatanggi ako," nanlaki ang mata ko sa sinabi ng halimaw na Kurt na nasa tabi ko na ngayon at inakbayan pa ko.
Mapapatay kita Villanueva humanda ka sakin!!!!
"Garcia? Inuna mo pa ang pakikipag-date bago ang training?" agad kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin at saka siya sinikmuraan.
"No, coach. Actually, hindi ko po siya kilala. Siguro po crush lang po talaga niya ako kaya niya nasasabi ang mga ganyan. May pinuntahan lang po ako kanina kaya po ako na-late. I'm sorry, coach, di na po mauulit," hanggang ngayon ay nakahawak pa din siya sa tiyan niya. Dumiretso na din ako sa cr para makapagpalit at saka nagsimula na din sa training.
"Mistyyy! Buti nakahabol ka!" sigaw ni Stacey. "Oo naman! Sige mag-training ka lang. Focus, Stacey!" sigaw ko din sa kanya.
Habang nagwawarm up ako ay nakita ko si Villanueva na kausap yung girlfriend niyang clown at mukhang nagtatalo sila. Wow! Dito pa talaga sa gym sila nag-away! Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanila ng makita ko silang dalawa na tumingin sa akin.
Inosente ako, wala akong kinalaman diyan.
Pagtapos kong magwarm up ay nakisabay na ako sa kanila sa paglalaro.
"Wait. Monica?" naningkit ang mata ko ng makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon. Siya si Monica De Leon. Isa siya sa nakalaban ko sa basketball game dati sa barangay. Masasabi kong magaling siya at halatang pursigido sa paglalaro. Halos kaming dalawa ang magkalaban talaga pag dating sa court. Tapos ngayon ay kakampi ko siya?

BINABASA MO ANG
The Game Between Us
Teen FictionAnong pakiramdam ng mapaglaruan? Yung tipong dati basketball lang ang nilalaro niya pero di mo alam na pati pala feelings mo nilalaro na niya. Masakit ba? Kasi para sakin, sobrang sakit na halos hindi ko ka kayanin.