SEASON1:Chapter9

78 6 0
                                    

CHAPTER9: Bagong Pinuno

Sa gitna ng karagatan ay payapang naglalayag ang barkong sinasakyan nila Mr. Jimmy kasama ang mga magbabarkadang magkaibigan at tauhan ni Eniya Elibeth. Madilim na at malamig ang simoy ng hangin, kapwa di ininda ang lamig na dumadampi sa kanilang mga balat.

Abala ang mga tauhan ni Eniya Elibeth sa panghuhuli ng mga isda. Kung kaya't ang kanilang barko ay nanatiling nakahinto lamang sa gitna ng karagatan. Habang ang ilan tauhan naman nito ay patuloy parin na nangingisda, gamit ang ibang maliit na bangka lamang. Samantala si Byena Skloth naman ay abala sa pagluluto, katulong niya sina Rissy at Von. Ang grupo naman nila Byena Bitek ay abala sa pag gawa ng iba pang espada, tinuturuan niya sina James, Kevin at Rey. Habang si Eniya Elibeth at Mr. Jimmy naman ay nag-uusap sa silid ni Eniya Elibeth.

*****

"Mga bata," tawag ni Byena Skloth sa dalawang magkaibigan na katulong niya. Agad naman lumingon yung dalawa na may halong pagtataka sa mukha, dahilan upang matigilan ang dalawa sa ginagawa nila. Humarap naman si Byena Skloth sa dalawa. "Mapalad kayo dahil kayo'y buhay pa. Ako'y humihingi ng paumanhin kung kami'y naging malupit sa inyo! Sa totoo niyan, ngayon ko lang nakita si Eniya Elibeth na ganoon na lamang namangha sa kanyang nasaksihan. Kung kaya't humihingi ako ng kapatawaran sa inyo!" Pagpapakatotoo na usal ni Byena Skloth, kasabay ng mahinang pagtawa nito.

Pareho naman nagkatinginan sa isa't-isa si Von at Rissy dahil sa inaasta ng matanda. "Pinapatawad na namin kayo." Tugon ni Rissy, kahit mayroon pa din siyang pagtataka sa kanyang mukha. "W-wala ho iyon sa amin.. Ang mahalaga matuto tayong magpatawad sa kapwa natin."

"Oo nga ho.. Iyan yung mga tinuro samin sa aming mundo!" Singit na sambit ni Von.

"Sejwa, mabuti't mabilis kayong makaunawa nawa'y pagpalain kayo ng may kapal." Nakangiting wika ni Byena Skloth.

"Bakit po? Ano ba dati si Eniya Elibeth?" Naguguluhang tanong ni Rissy na may kunot noo. Siniko naman siya ni Von upang manahimik ngunit binalewala lamang iyon ni Rissy. "T-totoo ho bang pumapatay kayo?" Dagdag pa niya.

"Huy!! Anong klaseng tanong iyan?" Nakangiwing sabat ni Von, "Hindi pa ba obvious?"

Umirap naman si Rissy sa kawalan at bumuntong hininga na para bang nauubusan na ng pasensya. "Can you just shut up! Please.." Sarkasatikong sambit niya.

"Edi manahimik!" Singhal ni Von kay Rissy. At tumahimik na lamang ito.

"Byena Skloth.." Tawag uli ni Rissy kay Byena Skloth na kanina pa tulalang nanunuod sa bangayan ng dalawa.

Umiling naman si Byena Skloth at bumalik sa ulirat. "Indosi.. Oo totoo iyon, kaming mga piratang tulad namin ay walang sinasanto na kahit sino man, kahit isa pa itong pinakamataas na katungkulan ay aming pinapabagsak. Lahat ng gusto, ay makukuha namin bilang isa namin pag-aari." Saglit itong natigilan at uminom ng alak galing sa kanyang bulsa yung bote. Habang yung dalawa naman ay taimtim na nakikinig sa kwento ni Byena Skloth. "Noon at hanggang ngayon, ginagawa pa din namin aming misyon sa buhay. Ngunit nagbago lamang ng dumating kayo, binigo niya ang kagustuhan namin mga pirata." Dugtong na kwento ni Byena Skloth. Halatang nadismayado ito sa inasal ni Eniya Elibeth kanina.

"Ang ibig niyo po bang sabihin ay bumait si Eniya Elibeth?" Takang tanong ni Rissy.

"Sa ngayon ay di ko masasagot ang iyong katanungan, subalit mayroon akong kutob na mas ginagalak ng aking damdamin." Makahulugang sambit ni Byena Skloth na may halong ngiti. "Sige na mga bata, magsipag balik na tayo sa ating mga gawain!" Natatawang utos ni Byena Skloth sa dalawa.

Wala ng nagawa yung dalawa kundi ay bumalik sa kanilang gawain. Si Byena Skloth naman ay natatawa pa rin habang lumalagok ng alak.

*****

The Island Within A Magical Ball [SEASON1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon