SEASON1:Chapter10

74 6 0
                                    

CHAPTER10: The lost Map

Palalim na ang gabi ngunit gising pa din ang lima na magkakabarkada sa kanilang maliit na silid, dahil narin sa hindi sila sanay na matulog sa sahig na gawa lamang sa kahoy. Tanging karton lang nagsisilbing sapin para sila'y makahiga, at kumot naman na pinagtupi-tupi ang kanilang unan.

Tahimik at kapwa nagpapakiramdaman ang lima, kung kaya't sa kanilang pagninilay-nilay pumukaw sa kanilang atensyon ang pagbukas ng pinto, dahilan para silang lahat ay tumingin sa direksyon 'yon.

"Byena Skloth?," takang wika ni James na bumangon ng upo. Gumaya narin ang lahat kaya pareho na silang nakaupo, maliban kay Byena Skloth na nakatayo lamang sa may pintuan. "Ano ho ang kailangan niyo?" Dagdag aniya.

Luminga-linga muna si Byena Skloth sa likuran tsaka siya aligagang sinarado ang pinto ng silid. Sabay lapit at nakigaya narin sa upo ng magbabarkada.

"Byena Skloth, m-may nangyari ba?" Parang nag-aalalang usal ni Rissy dahil sa inasta ni Byen Skloth.

Umiling si Byena Skloth at uminom na naman ng alak na dala-dala niya galing sa bulsa nito. Pagkatapos uminom ay mahinang tumawa ito, upang sapat na silang lahat ang makarinig niyon.

"MyGhad, he so scary like Mang Bern." Bulong na sambit ni Rissy kay Von.

"Pansin ko nga," sagot naman ni Von.

Bumuntong hininga si Byena Skloth bago magsalita, "Mayroon akong nasagap na balita tungkol kay Byena Jimmy." Malungkot aniyang pahayag. Bakas pa rin sa mukha ng magbabarkada ang pagtataka. Kung kaya't muling nagsalita uli si Byena Skloth. "Nais ko sanang h'wag niyo munang masamain ang aking sasabihin, indosi pinapangunahan ko na kayo sapagkat hindi lamang ako sang-ayon sa pasya na aming pinuno."

"Ano ba yung tungkol kay Mr. Jimmy?" Kunot-noong tanong ni Rey.

"Ito lamang aking narinig nang madaanan ko ang silid ni Eniya Elibeth, at kasama niya roon sa kanyang silid si Byena Jimmy. Humingi ng kahilingan si Byena Jimmy na maging isang bagong pinuno ng mga pirata. Kung kaya't nais kong pigilan niyo si Byena Jimmy sa kanyang kagustuhan." Seryosong saad ni Byena Skloth.

"Ano?, hindi ka namin maintindihan!" Naguguluhan sabi ni Kevin.

"Bakit kailangan namin pigilan ang gusto ni Mr. Jimmy?" Si James.

"Aking ipagpaumanhin ulit, hindi ko maaaring sabihin kaya't ako ay nakikiusap sa inyo. Gawin niyo na lamang aking ipinag-uutos na mali ang kanyang nais." Iling-iling na pangungumbinsi ni Byena Skloth.

"Maaari ko ba malaman, anong mangyayari kapag hindi kami nagtagumpay?" Si Rissy.

Sandaling hindi naka-imik si Byena Skloth sa tanong ni Rissy. Malungkot na yumuko ito na tila nangangapa ng maisasagot.

"Byena Skloth, hindi namin gagawin ang gusto mo." Pormal na pagtanggi ni James.

"Bakit naman?" Taas noong sabi ni Rissy.

"Anong bakit? Wala na tayong pakialam sa kung anong gusto niyang gawain. Nakakapag desisyon nga siya na hindi man lang nga tayo iniform! Ni hindi nga tayo iniisip niyan eh? Ano bang gusto mo? Tulungan natin siya? Eh, siya ba tinutulungan ba tayo?" Inis katwiran ni James. Medyo napataas narin ang kanyang boses.

"Kuya James, huwag mo ngang pagsalitaan nang ganyan yung kapatid ko?" Pagtatanggol ni Rey sa kanyang kakambal na kapatid.

"Kuya Rey," suway ni Rissy sa kapatid.

"Malamang hindi ako papayag na ginaganyan ka ng pinsan ni Peter!" Inis na sumbat ni Rey.

"Manahimik ka muna, please.." Sigaw ni Rissy na may tonong pakiusap. Hindi na lamang kumibo si Rey sa halip tinapunan na lamang niya ng masamang tingin si James.

The Island Within A Magical Ball [SEASON1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon