CHAPTER17: Ang Pagpapanggap
Matapos ang sesyon na ginawa nila Mr. Jimmy at Eniya Elibeth, parehas sila ngayon nagsusuot ng kanilang mga damit. Si Mr. Jimmy ay nakatayo lamang sa bintana na para bang may naaaninag itong isang imahe sa labas ng bintana. Hindi niya iyon matukoy sapagkat madilim sa labas. Nang mapansin ni Eniya Elibeth kung saan nakatingin si Mr. Jimmy, pinulupot ni Eniya Elibeth ang kanyang mga braso sa bewang ni Mr. Jimmy sabay sulyap sa bintana.
"Skloth.." Biglang sambit ni Eniya Elibeth nang maaninag nito ang isang pamilyar na pigurin. Sabay hiwalay ni Eniya Elibeth sa bewang ni Mr. Jimmy. "Anong ginawa niya sa mga oras na 'to!?" Inis na wika ni Eniya Elibeth. Kunot na kunot ang kanyang noo, tila nangangati ito na pagalitan si Byena Skloth.
"Huminahon ka, baka naman mayroon siyang isusupresa sa atin." Kalmadong tugon ni Mr. Jimmy.
Umigting ang panga ni Eniya Elibeth dahil sa inis na nararamdaman niya. Tinitignan niya ng masama si Mr. Jimmy ng mga ilang segundo na kalmado parin nakatingin sa labas ng bintana. "Ano bang plano mo?" Galit na tanong ni Eniya Elibeth, sabay nagpalakad-lakad sa loob ng silid.
Humarap naman si Mr. Jimmy kay Eniya Elibeth na ngayon ay huminto na sa pabalik-balik nitong lakad. "Mapapanuod mo rin, sa ngayon nais kong ibigay mo sa akin ang patungong daan, upang sa ganoon ang mga namumuong ilusyon sa aking isipan ay magkakatotoo!" Kalmadong sambit ni Mr. Jimmy na may pahid ng kaunting ngiti sa labi, ngunit mangingibabaw ang awtoridad sa kanyang tinig.
"Bakit ko naman ibibigay?" Sarkastikong wika ni Eniya Elibeth, magka-krus ang mga braso nito.
"Sapagkat nakasalalay sa patungong daan na 'yan ang ating plano!" Mariin sambit ni Mr. Jimmy tila nagpapaintindi. Ngunit si Eniya Elibeth ay hindi madaling matinag lamang kung kaya't para sa kanya ay isa lamang itong walang silbi.
"Paano ako makakasiguro na magtatagumpay ka?" Seryosong usal ni Eniya Elibeth, may halong paninigurado sa kanyang tinig. At parang hindi ito naniniwala. "Nais mo bang patayin ang lahat ng mga mamayanan sa himbana'g asulyan?" Wala sa sariling tanong aniya. Tila nang-aasar.
"Eniya Elibeth, sino ba ang bagong pinuno rito?" Nagmamalaki sumbat ni Mr. Jimmy. Tinaasan lang siya ng kilay ni Eniya Elibeth. Dahilan upang nagtiim-bagang ito, ngunit agad din niyang pinakalma ang sarili. "Ang pagtitiwala ay isang malaking halimbawa na dapat itong sundin ng mga tauhan anuman ang nais ng pinuno. Mahigit pitong-put limang porsiyento, ang dapat paniwalaan ng mga tauhan ayon sa napakagandang plano nang kanilang pinuno." Nagmamayabang aniyang saad ni Mr. Jimmy kasabay nito ang pagsilay ng kanyang matamis na ngiti.
"Hindi ko maunawaan ang iyong sinasambit, ngunit sa oras na ika'y pumalpak, kukunin ko ang trono ko't ipapatay kita!" Mariin at nagbabantang tugon ni Eniya Elibeth.
Imbis na matakot si Mr. Jimmy ay tumawa lang ito nang mapakla tila ba'y gasgas na sa kanya ang mga ganoong salita. Ni wala siyang pahid na anong takot na maramdaman sapagkat sanay na itong gumawa ng kung anu-anong karantaduhan noong nasa mundo pa siya ng mga tao. Gusto nga niyang isunod na pabagsakin ang negosyo ng mga Skith ngunit sa kasamaang palad ay bigla na lamang siyang napadpad sa kakaibang mundo, dito mismo sa mundong kanyang inaapakan kasamang mga piratang malulupit.
"Tignan natin!" Nakangisi tila naghahamon wika ni Mr. Jimmy.
*****
Sobrang malalim na ang gabi ngunit nananatiling naglalakbay parin ang mga magkakaibigan sa gitna ng gubat. Halatang pagod narin sila kakalakad ngunit hindi pa nila nararating ang himbana'g asulyan.
"Kuya James, pwede ba tayong huminto kahit saglit lang?" Wika ni Rissy, kapansin-pansin na pagod na itong maglakad.
Napabuntong hininga naman si James at huminto sa pangunguna niyang maglakad marahil naramdaman din niya ang pagod sa kanyang sarili. Huminto narin ang iba pa niyang kaibigan dahil sa kapaguran.
BINABASA MO ANG
The Island Within A Magical Ball [SEASON1 COMPLETED]
AdventureBy: shitloccah Season1 {✔} Synopsis Season1 Mula nang magbakasyon si Peter sa Villa Engrande kasama ang mga kaibigan niya ay may naramdaman siyang kuryusudad sa kanyang sarili na hindi niya pa nagagawa noon. Lalo nang matuklasan niya ang lihim na ti...