CHAPTER25: Unang Pagdiriwang(Part2)
Ang lahat ng mga taong nagkakasiyahan sa loob ng pasio asulyan ay biglang tumahimik nang marinig nila ang sigaw ni Bato kung kaya't napadako ang atensyon nila kay Bato at maging kay Ambuan Pialja na taas noong nakatingin sa kanila.
Maging sila Ambuan Hiyos, Byena Tupeng, Byena Julio at Eniya Asya ay napatingin din sa direksyon nila Ambuan Pialja. Pati narin sila Bella, Tickle, Gia at Deiff na ngayon ay huminto sa kanilang kinakain. Kasama narin doon sila James, Rey, Kevin, Peter, Rissy at Semento na abala din sa sariling kasiyahan.
"Y'MBAN ANPEH!" Panimula ni Bato. "Mga Eniya at Byena, narito na ang ating Ambuan Pialja upang muling simulan ang pagdiriwang na ito."
Naghiyawan sa tuwa ang mga tao sa sinambit ni Bato at ang iba ay pumalakpak pa. Muling nagsimula ang kasiyahan at umingay ang paligid, nagpatugtog ang musikero na ibang tema na siyang pag-indak ng mga taong kanina pa sumasayaw. Ang iba ay muling bumalik sa pagkain, makipagkwentuhan sa mga kakilala at magkipagtawanan.
Inilahad ni Bato ang kanyang kamay upang alalayan si Ambuan Pialja na bumaba ng hagdan. Walang salitang tinanggap iyon ni Ambuan Pialja habang humahakbang pababa at ang dalawa pang tauhan pandigma na kasama nila ay nakasunod kay Ambuan Pialja. Nang tuluyan na silang bumaba ay nagtungo sila sa trono ni Ambuan Pialja, ang bawat taong nakasalubong nila ay bumabati ito kay Ambuan Pialja na 'Y'mban Anpeh Ambuan' kaugalian na nila iyon sa tuwing may pagdiriwang at kung sino man ang nag-imbita sa pagdiriwang ay babatiin nila kapag nakakasalubong nila.
Tumayo sila Ambuan Hiyos, Byena Tupeng, Byena Julio at Asya upang salubungin si Ambuan Pialja kasama nito sila Bato at ang dalawang tauhan pandigma.
"Y'mban Anpeh Ambuan Pialja," paunang pagbati ni Ambuan Hiyos. Nakangiti at halatang nagagalak nang muling makita niya si Ambuan Pialja.
"Aking ginagalak na muling makita ka Ambuan Hiyos," tugon ni Ambuan Pialja. Nakangiting balik. At sabay lingon din kala Byena Tupeng, Byena Julio at sa iba pang kasamahan nila Ambuan Hiyos na taopa rin at may matataas ding posisyon. "At kayo ring lahat." Dugtong aniya.
"Ambuan Pialja halika't umupo kana rito sa iyong trono" pag-aya ni Byena Tupeng.
"Sejwa Byena Tupeng ika'y wala pa ring pinagbago matapos natin magkita sa nakalipas na tatlong taon." Birong sambit ni Ambuan Pialja kay Byena Tupeng. Umupo siya sa kanyang trono na inilalayan naman siya ni Bato. "Sejwa" baling niya kay Bato.
"Munja Ambuan, para sa inyo ho!" Nakangiting tugon ni Bato. Bagama't tago ang kanilang relasyon ay hindi maiwasan isipin ni Ambuan Pialja ang sinambit ni Bato sa kanya. Para sa kanya ay may malisya iyon at tila may ipinapahiwatig na kung ano.
"Ambuan Pialja kahit lumipas man ng ilan taon, maaaring hindi ka magbago at maaari ding magbago ka, ayon sa iyong nais." Wika ni Byena Tupeng tila may bakas ng pangangaral. Bumalik na ito sa dating upuan at maging sila Ambuan Hiyos ay nagsipagbalikan narin sa dating kinauupuan. "Minsan ang pagpasya na magbago ay may kaakibat na dahilan ngunit kadalasan hindi mo namamalayan sa iyong sarili na nagbabago ka." Patuloy pa ni Byena Tupeng. "Para naman sa mga taong hindi nagbabago, tiyak ko na kontento na sila sa kung ano mang klaseng buhay ang nararanasan nila. Ngunit madalas may dahilan pa rin sila." Makahulugan dagdag aniya.
"Kung ganoon Byena Tupeng ang iyong pinapahiwatig ay, lahat ng nararanasan natin ay may dahilan?" Wika ni Ambuan Pialja tila naghahanap pa ng kasagutan sa sinabi ni Byena Tupeng. Magsasalita na sana ulit sa Ambuan Pialja nang suwayin ni Ambuan Hiyos si Byena Tupeng.
"Byena Tupeng aking kapatid binibigyan mo na naman ng kahulugan at pag-iisip si Ambuan Pialja, narito tayo upang magsaya at hindi para magsali't-salitan ng salita." Pinanlakihan ni Ambuan Hiyos si Byena Tupeng ng mata. Dahilan para tumikhim ito at humingi ng paumanhin kay Ambuan Pialja na tanging tango lang ang sinagot nito bilang pagtanggap sa pagpaumanhin niya.
BINABASA MO ANG
The Island Within A Magical Ball [SEASON1 COMPLETED]
AdventureBy: shitloccah Season1 {✔} Synopsis Season1 Mula nang magbakasyon si Peter sa Villa Engrande kasama ang mga kaibigan niya ay may naramdaman siyang kuryusudad sa kanyang sarili na hindi niya pa nagagawa noon. Lalo nang matuklasan niya ang lihim na ti...