SEASON1:Chapter16

28 1 0
                                    

Chapter16: Pamilya

Sa himbana'g asulyan ay may isang babae ang nakaupo sa kanyang trono.  Puti ang kanyang suot na damit hanggang paanan. Ginto na pagka-kayumanggi ang kulay ng buhok niya. Siya'y maputi na parang katulad sa himbana'g puntian. Hugis puso ang mukha, ang mga pilik-mata niya'y mahahaba. Perpekto ang kanyang mata, at ilong na matangos. Ang labi naman niya'y manipis sa itaas ngunit sa ibaba ay medyo may pagkamakapal ng unti.

Sa kanyang pagninila'y-nila'y may lumapit sa kanya ang isa sa mga tauhan pandigma, isa ito sa mga tauhan niya na pinagkakatiwalaan sa lahat.

"Ambuan Pialja," tugon aniya ng tauhan.

Nanatiling nakatungo si Ambuan Pialja sa kanyang tauhan, tila nag-aantay nang kasunod nitong sasabihin. Tumikhim muna ang tauhan bago muling pinagpatuloy ang sasabihin.

"Mayroon dumating na mga panauhin mula sa himbana'g puntian. Sila'y nasa labas pa nang ating pasio kung kaya't hindi ko sila pinapasok!" Saad ng kanyang tauhan.

"Ano ang kanilang dahilan?" Malumanay na tanong ni Ambuan Pialja.

"Tungkol ho sa nawawalang patungong daan, Ambuan." Sagot ulit ng kanyang tauhan pandigma.

Mabilis na lumingon si Ambuan Pialja sa kinatatayuan ng kanyang katiwala na tauhan. Bumuntong hininga si Ambuan Pialja upang pakalmahin ang sarili.

"Bato, papasukin mo sila!" Ma-awtoridad na utos ni Ambuan Pialja.

"Masusunod ho, Ambuan Pialja." Magalang na sagot muli ni Byena Bato. Saka siya muling naglakad upang sundin ang pinag-uutos ng kanyang Ambuan.

Naiwan na naman si Ambuan Pialja na tila ba'y problemado ang itsura.

*****

Lumabas si Byena Bato sa pasio upang tumungo sa malaking pinto at pagbuksan ang mga panauhin na kanina pa naghihintay. Sumenyas si Byena Bato sa mga kapwa tauhan pandigma niya na nagbabantay ng pasio upang buksan ang malaking pinto. Sinunod naman ng ilan ang inutos ni Byena Bato, kung kaya't dali-daling binuksan ng mga tauhan ang malaking pinto.

Bumungad sa kanilang harapan sila Gia at Deiff, maging sila Bella at Tickle na ngayon ay kasing laki narin ng mga tao. Lumapit si Byena Bato sa kinatatayuan nila Bella.

Takip-silim narin nakarating ang grupo nila Bella sa pasio ng asulyan. Dahil bukod kanina sa nadaanan nilang mga bahayanan ay tumawid sila sa sementong tulay, pagkatapos ay may madadanaan ulit silang gubat bago makarating sa pasio ng asulyan.

"Ikinagagalak ko na makita muli kayo." Nakangiting bati ni Byena Bato nang makalapit ito kala Bella.

"Sejwa sa napakagandang pagbati," sagot ni Bella na malapad ang pagkakangiti.

"Munja, sapagkat ito ang aking serbisyo mula sa pamumuno ni Ambuan Pialja." Taas noo aniyang pagmamalaki.

"Ganoon din naman kami." Pormal na wika ni Tickle.

Tipid na tumawa si Byena Bato dahil sa komento ni Tickle. Humugot ng hininga si Byena Bato bago muling magsalita.

"Halina kayo't pinapapasok na kayo ni Ambuan Pialja." Saad ni Byena Bato.

"Masusunod!" Nakangiting sagot ni Bella.

Nagpaunang maglakad si Byena Bato na sinundan naman ng grupo nila Bella. Kasabay nang kanilang pagpasok ang pagsara ng malaking pinto. Muli na naman namangha sila Gia at Deiff, sa kanilang nakikita. Para bang hindi sila makapaniwala at inaasahan na makakaapak sila sa ganitong klase ng pasio.

Noong nasa mundo pa sila ng mga tao ay nakikita lang nila ito sa palabas ngunit ngayon, naranasan na nilang makatungtong sa malaking pasio.

"Gia, ang ganda naman dito oh! Dati pangarap ko 'to ngayon, nandito na ako!" Bulong ni Deiff kay Gia inirapan lang ni Gia. Nagnining-ning ang mga mata ni Deiff dahil sa pagkamangha.

The Island Within A Magical Ball [SEASON1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon