Chapter 3
Lunch with them
Khiel’s P.O.V.
Mga 9 na ako nakauwi kagabi. Kawawa talaga si Vin kay Trinity. Kung nakita niyo lang maawa talaga kayo. Nung luto na ang lahat na pagkain, pinakain ni Trinity kay Vin ang lahat niyang niluto. Sabi sa akin ni Alex na hindi daw marunong magluto si Trinity at trying hard lang daw. Pinaubos din ni Trinity ang lahat ng niluto niya kay Vin. Ano kaya ang nakita ni Vin sa kanya at patay na patay pa rin siya kay Trinity kahit na tinutorture siya nito?
Will that ever happen to me?
Xxxxxxxxxxxxxxxx The next day
Naghanda akong umalis ng unit ko na walang breakfast. Nakalimutan ko kasing maggrocery kahapon. Aish! Talaga.
Bibili nalang ako ng sandwich sa school. Lalabas n asana ako ng may nakita akong niwrap na bagay malapit sa pintuan
Hala! Baka may nag-iwan ng bomba. Chineck ko yung bagay. Inilapit ko yun sa tenga ko. Wala naman akong narinig na pagtick ng relo. Binuksan ko nalang ang bagay.
OHMYGEE!
Sandwich na may note ang laman.
Kainin mo yan. Wag kang magalala wala yang lason. Nakita ko kase kagabi na walang laman ang ref mo. At oo, nagpunta ako sa unit mo nung natutulog ka. Hehehehe.
-Aivan ^_____^
MYGHAD!
Ba’t ba siya pumasok-pasok sa unit ko? Wala ba siyang magawang matino sa buhay niya?
Hmmp!
Kumagat na naman ako sa sandwich. Tumingin ako sa wristwatch ko.
Sheeeteee!
Patay ako ni Vere. Ayaw na ayaw niya pa namang malate. Sunod sunod kong pinindot ang lobby button ng elevator. Ba’t ang tagal. Tumakbo na lang ako papunta sa hagdan.
Inhale. Exhale. Kaya mo to, Khiel. Tatakbo ka lang naman pababa ng lobby mula sa 8th floor kaya mo yan.
After 123456789 years, narating ko rin ang lobby. “Andito na *hingal* ako *hingal*.” Naglakad na naman ako papunta ng sasakyan.
“Anong nangyari sayo?” Tanong ni Vin na pigil tawa, “Parang tinakbo mo ang hagdan pababa.”
“*hingal* Oo! Yan nga ang ginawa ko.” Tumawa si Vin.
“At anong pumasok sa kukute mo at naisipan mong takbuhin ang hagdan?”
Umupo na ako sa loob ng sasakyan. Tinaasan ko ng kilay. “I need the exercise” Sabay sara ng car door. Ipinatong ko ang paa ko sa kung anong pwedeng patungan.