Chapter 6

3 0 0
                                    

Chapter 6

Who is She?

Khiel’s P.O.V.

Tinaas ko ang hintuturo ko. Sinundan niya ng tingin ito.

May nakita akong babaeng tutok na tutok kay Aivan. Nakaupo ang babae sa other side ng café. Alam ko yang suot niyang uniform. Sa Willhard University lang ang may uniform ng ganyan.

Tumingin ulit si Aivan sa akin. “Bakit? Anong nasa kanya at di ka makakain?”

Kinamot ko ang ulo ko. “Eeee--- Kasi…. Nacoconscious ako.”

“Ok.” Tumayo si Aivan at nilapitan ang babae. Sinundan ko naman agad siya. Baka ano pang gawin niya sa babae.

“Aivan.” Tawag ko sa kanya. At hinila hila ang braso niya.

“Aivan?” Narinig kong tanong sa babae. “Ikaw ba yan?”

“Excuse me. Do I know you?”-Aivan

Ngumiti ang babae at tinuro ang sarili niya. “HALA ka Aivan. Kinalimutan mo na ko?”

Walang reaksyon ang mukha ni Aivan. Ako naman nakatingin lang sa kanilang dalawa.

“Ako to si Jamie.”

“Jamie? You mean Jamie Ortiz?”

“Oo. Aivan naman nakalimutan mo na agad ako.” Nagpout si Jamie.

Kinamot lang ni Aivan ang ulo niya na parang nahiya. Niyakap agad siya ni Jamie. Hindi ko alam pero gusto kong sabunutan yang si Jamie. Ang landi landi. Ang tagal nilang dalawang nagyakapan. So umeksena ako. Inilayo ko silang dalawa sa isa’t isa. “Stop niyo na yang pahughug niyo. Ginugutom nako,Aivan.”

Naglakad nako pabalik sa upuan naming ni Aivan pero nakita kong hindi sumunod si Aivan. So ang ginawa ko ay kunin ang cake ko at bumalik sa upuan ni Jamie at mga kaibigan niya.

Nakaupo na silang dalawa at nagtalking talking. Umeksena na naman ako for the 2nd time. Tumabi ako kay Aivan. “So, what are you two talking about?” Tanong ko sabay subo ng cake.

“Wala lang.” Sagot ni Aivan. Tumawa ng mahina si Jamie.

“Sorry, Aivan. I can’t help it kase.” Inilipat ni Jamie ang paningin niya sa akin. “So???? Are you by any chance is Aivan’s girlfriend?”

*Cough. Cough.*

“NOOOOOOO. NEVER.”

Tumawa ulit si Jamie. “You’re so cute. No wonder my cousin here likes you.”

Yumuko agad ako. Parang nagblush ang mukha ko dahil ang init init ng mukha ko.

“I think we better go.” Yaya ni Aivan. “Baka malate pa kami sa klase.”

Tumayo siya ang hinila ako palabas. Tinakpan ko ang mukha ko.

“Take care of him for me. Ok?” Sigaw ni Jamie.

Pagkalabas namin ng Café. “Sorry talaga sa ginawa ni Jamie. May pagkaabnormal din yang pinsan ko.”

“A-Ah Ok lang.”

Bumuntong hininga si Aivan at hinarap ako. “Tara na. Baka hinahanap na nila tayo.”

Tumango lang ako at naglakad na.

<3<3<3<3<3<3<3<3

Pagpasok ko ng classroom, mabilis na tumakbo si Trinity papunta sa akin.

“Yah! Khiel, Where have you been? Hinanap ka ni Vin sa akin. Sabi niya nawala ka daw. Parang naparanoid nga yung mokong yun.”

“Pumunta kami ni Aivan sa isang café malapit dito sa school.”

“Ah.” May patangotango na sabi ni Trinity. “So, what happened with your date?”

“Ha? Anong date?”

“Hala girl. Date niyo ni Aivan, girl. Kakasabi mo lang na pumunta kayong DALAWA sa café meaning it’s a date.”

“Walang date na nangyari, Rini. Kumain lang kami.” Hininaan ko ang boses ko. “Meron sana kung di kami inistorbo ng isang tao.”

“What did you say, Khiel?” Nanliit ang mata ni Trinity. “Narinig ko yung sinabi mo. Ikaw girl ha. Nagpapapoints ka na kay Kuya Aivan.”

“H-ha wa-wa-la akong sinabing ganun ha?”

“Ah! Nauutal ka so totoo nga ang narinig ko.” Nagcross arms pa siya. “ So loves mo na si Aivan?”

“Hinaan mo nga yang boses mo” Sabi ko habang naglakad papuntang seat ko.

“Aaahhh so totoo nga may crush ka nasa kanya.”

“Hindi nga sabi eh.”

“Ah.. Basta…. Support ako sa inyo, Khiel, pero beware ka lang. Sa lahat ng estorya may dumarating na kontrabida.”

“Ha?! Sino naman siya?”

“Ako… de joke lang. Si Maegan. Yung 4th year student. Isa sa journalism staff.True love niya daw si Aivan. Careful ka lang baka anong gawin niya say o pagnalaman niyang crush mo rin si Kuya Aivan .”

“No worries. Di ko naman crush si Aivan eh.”

“Tssk. Tssk. Tssk. Tulak ng bibig kabig ng dibdib.”

“Beware sa mga pinagsasabi mo, Khiel.”

Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon