Chapter 8

4 0 0
                                    

Chapter 8

Totally Spies

Khiel’s P.O.V.

“Sige na, Khiel. Itry mo na ‘tong damit.” Sabi ni Trinity sabay pakita sa akin ng blue na dress. Nagcross-arms lang ako at humindi sa kanya. “Sige na. >3<”

Hay! Buhay! Ang hirap talagang mabuhay kapag kilala mo ang isang Trinity Velez.

“Di ko type yang mga dress na yan.” Tiningnan ko ulit ang damit. “Ang girly.” Iniwas ko din ang paningin ko sa damit.

“Sige na. >3<” Lalong nagpout si Trinity. “Bagay ‘to s—“

Di natapos ni Trinity ang sinabi niya. Napalingon agad ako sa kanya. Nakita ko siyang may tinitingnan. Sinundan ko ang mga tingin niya.

OwO

Si Vin.

Anong ginagawa ni Vin sa ladies department?

Nakita ko siyang naghahalukay ng damit pambabae.

Tiningnan ko ulit si Trinity. Nakatutok lang siya kay Vin. Parang iiyak na siya anytime.

Icocomfort ko na sana siya ng hinila niya ko papasok sa isang stack ng t-shirts. Di ko makita si Vin sa view na ‘to.

“Ano kaya ang ginagawa ni Vin sa lugar na ‘to?” Tanong ni Trinity sa akin habang nakatalikod siya sa akin. “Parang may hinihintay siya.”

“I Don’t Know.”

Humarap si Trinity sa akin. “Baka ipinagpalit niya na ako.”

“H-ha?” Kinamot ko ang likod ng leeg ko. “Eh, diba may boyfriend ka na?”

“Oo……. Pero loyal yang si Vin sa akin. Di pa yan nakakapag-girlfiend.”

“Ihhh. Akala ko marami na yang gf si Vin. Sabi mo nga ikaw ang rason ng pagbbreak nila.”

“Ahhh… Hehehe. Joke lang yun.” ^__^ V

Hinawakan ko siya agad sa magkabilang braso niya. “Sooooo???? Sino talaga ang mahal mo? Si Vin? O si Ray?”

Inalis ni Trinity ang paningin niya sa akin. “Hala! Umalis na si Vin! Tara sundan natin.”

Hindi niya ko hinintay sumagot. Hinatak niya lang ako. “Wait lang.”

Paglabas namin sa department store, nakita naming dalawa na pumasok si Vin sa isang jewelry shop. Hindi na ako nakaimik dahil hinatak na naman ako ni Trinity papasok sa jewelry shop.

“Para sino kaya yang necklace na tinitingnan niya?” Tanong na naman ni Trinity.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon