Chapter 2
Aivan
Khiel’s P.O.V.
I love this day.
You know why?
Kase pinili ako ng principal as one of the potential editor of the journalism clubs’ newspaper branch. Yep Boy! Ang lucky ko talaga kahit ilang araw palang ako rito sa Prime University nakuha ko agad ang attention ng principal.
“Khiel, Uwi na tayo”- Vin
“Maglalakad na lang ako. Ang layo pa naman ng bahay niyo---“
“Anon gang layo? Sa iisang building lang tayo nakatira.”
“Talaga?! Sige. Sasama na lang ako para walang hassle at libre pa ang bayad.”
“Ikaw talaga, Khiel, ha. Hindi ka pa rin nagbabago. Kuripot pa rin as always.”
“I know right.”
Nung nasa loob na kami nagtanong din agad ako. “Ba’t ba kayo lumipat ng tinirhan?”
“Gusto kase naming ni Vere na maging independent.”
“Independent your face. Wag kang maniwala diyan, Khiel, nagpapachansing lang yan kay Trinity.” Dagdag ni Vere na ngayon ay nakaharap na sa amin mula sa passenger’s seat.
Ay oo nga pala. Dun din pala nakatira sila Trinity. Sa may penthouse sila nagsstay. “Ano ba yang pinagsasabi mo, Vere?” Hindi makatingin si Vin sa akin. Halatang namumula siya.
“Deny deny pa. Eh, ang klaro klaro naman. Namumula ka na nga, eh.” Pangaasar ni Vere.
Hinatak ni Vin ang bag ni Vere at humablot ng salamin. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin. “ Hindi naman ako namumula, ah.” Ibinalik niya ang salamin sa bag.
“Oto oto ka talaga, Vin, hindi ka pa din nagbabago.” Pangaasar ko din.
“Hoy! Bag ko.”- Vere
Kumunot ang noo ni Vin at itinapon na ibinalik ang bag ni Vere. Natama ang ilong ni Vere sa pagtapon ni Vin ng bag. Parang bulkan na sumabog si Vere. “Ang sakit nun, Vin, ha. Gusto mo bang mapatay kita?!” PAgbabanta ni Vere.
Nagcrossarms lang siya at nagpout. Hindi niya pinansin ang banta ni Vere.
“Hehehe—Dalagingging na si Vin.” Kiniliti ko siya.
Pumigil pigil na tumawa si Vin. “HE!”
Mga ilangg minute lang dumating na kami sa condo. “Khiel, dun ka na kumain sa amin mamaya. The more the merrier.” –Vin