Chapter 7
Byuntae (Pervert)
Khiel’s P.O.V.
Oh em gee! Excited nako.
Please. Sana ako ang mapili na new editor-in-chief. Please.
Kaharap ko ngayon ang teacher in charge ng journalism club. May binabasa siya. Habang ako nakatingin lang sa kanya.
Ano kaya ang sasabihin niya?
Ako ba ang bagong editor-in-chief?
“Ms. Aquino, pinatawag kita dito kasi may news ako sayo.”
“Ano po yun, ma’am?”
May kinuha siyang folder mula sa drawer ng desk niya. “Nakuha ka sa journalism club,” Biglang nagliwanag ang mukha ko.
“Seryoso po, ma’am?”
Tumango naman siya.
“But I have something else to say.”
Nakangiti akong tumingin kay mrs. Rosales. “Ano naman po yun?”
“Hindi editor-in-chief ang pwesto mo sa journalism club.”
WHAT!
NOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!
“But instead you are the assistant editor.”
Matamlay akong tumango tsaka nagpout.
“Makakaalis ka na.”
Tumayo nalang ako pagkatapos akong idismiss ni mrs. Rosales.
Pagkasara ko ng pinto…..
Tumalon- talon ako sa tuwa.
Okay na akong maging assistant editor. Atleast parang editor-in-chief na ko. May next year pa naman. Feel ko 4th year ang editor-in-chief nila ngayon.
Naglakad ako papuntang clubhouse.
Pagpasok ko ng clubhouse, halos lahat nakatingin sa akin.
Tinaas ko ang kanang kamay tsaka nagwave sa kanila. “Hi.”
Tiningnan lang nila ako at bumalik sa pagttype.
Ibinaba ko nalang ang kamay ko.
“I believe you’re the new assistant editor.”