Chapter 4 : Sorry Po

4 0 0
                                    

Chapter 4

Sorry Po

Khiel’s P.O.V.

Afternoon na. *Yawn* Ang boring ng class. Hindi ko nakita si Aivan . Hindi na rin siya nagiiwan ng sandwhich sa doorstep. Ano kaya ang ginagawa niya?

Aish! Khiel, ano yang mga pinagsasabi mo? Parang hinahanap hanap mo na yang si Aivan?

*Yawn*

Tiningnan ko si Trinity. Ay! Nakatulog. Sino ba naman ang hindi  makatulog eh ang boring ng class. Discussion ngayon sa literature. Ang boring ni ma’am English.

*Ring.Ring*

Finally. Tapos na din ang suffering ko sa boringness. Makakapagrest na din ako. Ang tagal ko kayang nakatulog kagabi para sa introductory ng essay ko. Haay! Ang hirap talaga ng essay dapat kapang bumuklat ng dictionary para lumalim ang vocabulary ko at mas mapaganda ang essay ko para 100% na makuha ko ang pwesto. Good for the grades kase.

“Tapos na ba ang class?” Nabigla ako nung nagsalita si Trinity. Kagigising lang pala niya. Kinukusot niya ang mata niya at nagstretch ng kamay. Tumango ako. “Samahan mo ko sa building ng boys. May ibibigay ako kay Alex.”

“O, sige ba.”

Naglakad kami sa building ng mga boys. Ngayon ko lang nalaman na kaklase pala sina Vin at Alex….. Pati si AIVAN. Nakangiting lumabas si Vin at alam niyo na kung ano ang dahilan or should kung SINO ang dahilan. Yayakapin n asana ni Vin si Trinity ng yumuko si Trinity para makaiwas sa yakap. Parang baliw si Vin na nakayakap sa sarili niya. Hinarap niya si Trinity na kausap si Alex. Nagpout si Vin at kinamot ang ulo niya.

Tinawanan ko si Vin. “ Ui! Anong tinatawa mo diyan.”

Biglang nagsitayuan ang buhok sa katawan ko. Tumingala ako sa tabi ko. Si Aivan. “ AH. Wala.” Tumango lang siya at pumasok  sa room nila. Tumingin ako kina Alex. Busying busy sila sa paguusap. Parang na-OP ako. Pumasok din ako sa room nila.

Pumunta ako sa tabi ng inuupuan ni Aivan. Since hindi siya nangungulit sa akin, ako naman ang mangungulit sa kanya ngayon. Haha! Atraso niya sa hindi pagiwan sa akin ng sandwhich kanina.

May binabasa siyang papel. Umupo ako sa upuan katabi sa kanya at tiningnan siya. Hmmm…. Ano kaya ang binabasa niya?

Inilapit ko ang mukha ko sa binasa niya. “ Ano yang binabasa mo?”

“It’s nothing you should know.”

Hala! Salbahes! Ni hindi tumingin sa akin ng sumagot. Mas inilapit ko ang mukha ko para makabasa sa papel. “Ano bang prob----“ Bigla siyang humarap sa akin. Thank God at natakipan ko ang bibig ko instantly ng humarap siya. “Aish! Ano ba kasi ang kailangan mo?”

“Wala lang. Gusto ko lang trepan ka.” Kumunot ang noo niya at ibinaling na lang ang atensyon niya balik sa papel. “Pero…” Tinusok tusok ko ang tagiliran niya. “ Ba’t di ka nagiwan ng sandwich sa unit ko? Nagutom tuloy ako.” Nagpout ako pagkatapos sabihin yun.

Tiningnan niya lang ako at muling nagbasa. What the eff….. Tiningnan niya lang ako? Shet memeng. Tumayo ako at lalakad na sana…..

“Sorry. Busy kasi ako.”

<3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3

Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon