Chapter 4 : First Day, Good luck or Bad Luck ?

130 5 1
                                    

Chapter 4

First Day, Good luck or Bad Luck ?

 (Paki-basa po ng Author's Note.. Salamat)

"Celestine ! tara kain tayo ng ice cream kila manang isding!" yaya sakin ng isang batang lalaki.

"Teka lang! magbibihis muna ako!" kakagaling lang naming sa gubat, naglaro kami ng madalas naming nilalaro. Tagu-taguan.

"Bilisan mo." Sagot niya.

Mabilis akong nagbihis at pinuntahan siya sa gate ng mansyon. 

"Tara na!" yaya ko sakanya.

Tumakbo kami papunta sa ice creaman nila manang isding.. Gulat kayo no ? hindi porket mayaman kami eh..sa mamahaling ice cream parlor na kami kakain. NO!! ayoko ng ganun.kahit na yun ang gusto nila para sakin, Ang umasal na mahinhin at maging pormal para magmukhang mayaman at disente.

"Bilisan mo!!" sigaw nung batang lalaki.

Pagkarating namin kila manang umorder kami kaagad ng dalawang cookies and cream flavor.

"Grabe ang sarap talaga  ng ice cream ^_^ " Masaya kong sabi.

"MANANG ISA PA NGA PO!" sigwa nung batang lalaki, grabe ang bilis niyang ubusin yung sakanya.

Tinitignan ko siya, nakita kong may ice cream sa gilid ng bibig nya.

"HAHAHA!!" tawa ko.

"Ba't ka tumawa?" nagtatakang tanung niya..

"Ano kasi.. HAHAHAH!!" Laughtrip yung mukha niya.

"Ano?" naiinis na ata siya? Hahaha!!

"HAHAHA may ice cream ka"

"Saan?" pinunasan niya yung pisngi niya pero hindi parin natatangal yung ice cream.

"HAHAHAH Hindi parin natanggal! Amina nga yung tissue mo!"pupunasan ko na sana,,

Nang biglang...

.......

"CELESTINE! GUMISING KANA! MALE-LATE TAYO!" Sino ba yun?!

Ayos na eh ang sarap ng kain ko nung ice cream! Kaso panaginip lang pala yun haha!!

"HOY! GUMISING KA NA!"Ang ingay niya katok ng katok sa pinto ng kwarto ko. Amp!! si Lance -_-

"OO NA! GISING NA KO! HINTAYIN MO NALANG AKO SA KUSINA!" Sagot ko sakanya.

"OKAYYY! BILISAN MO HA! MAGPAPAHANDA NA KO NG ALMUSAL!!" sigaw ni lance.

"OO NA!" inis kong sigaw. Jusme nabitin ako sa panaginip ko T-T

 Naligo na ko, nagbihis, tamang suklay ng buhok,pulbo..

Hindi ako pala ayos eh, mas gusto kong maging simple. Ayoko ng maraming ritwal bago umalis ng bahay.

Nag suot na ako ng uniform! SA WAKAS COLLEGE NA KO! MAYGAD! Ano kayang mangyayari mamaya? Kinakabahan ako na excited. Bahala na mamaya..

Bumaba na ako sa kusina at bumungad sakin ang sangkaterbang almusal.

"Yung totoo lance? Ayaw mo naman magutom sa school mo?" jusmiyo..

"HAHA!! Mas okay nang busog kesa sa gutom!"maganda sagot! Bravo.

"psh. Ewan ko sayo!..Teka asan pala si dad?" tanong ko.

"Ah. Nasa business trip daw kaya umalis ng maaga." Sagot niya.

Tinignan ko yung orasan.alas siete palang pala ng umaga. Kumain na kami ni lance. Pagtapos ay pumunta na sa school.. ay!! Oo nga pala same school kami kasi tulad nung elem. Kami, gusto niya naman  daw magkasama kami ulit sa iisang school.dami niyang alam eh haha!! Pero okay na rin at least  may kakilala na ako sa school na papasukan ko.

Unfinished SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon