CHAPTER 7
No Boyfriend Since Birth?!
Paulit ulit na nagpi-play sa utak ko yung scene na dinaanan lang ako ng chris na yun. matapos kong lunukin ang kahihiyan ko para lang makapag sorry sakanya, dadaanan niya lang ako?! Ang supla-suplado niya! jdfhsuagwkrjat!
Yung totoo? ganun ba talaga ako kasama? hindi ko naman sinasadya di ba?
Eh kasi naman yung tatlong lukaret eh!
Sila!
Sila ang may kasalanan ng la---
*Poink*
“Huy! Celestine! Malunod ka jan… anlalim ng iniisip mo ah! haha!” biro ni lance.
“pang-asar ka talaga” psh.
naglalakad pala kami ngayun sa mall… dahil nga nagyaya ang mga lukaret na mag mall kami kaya eto… parang wala lang nangyare no?
“Tara! Karaoke tayo! *^_^*” sigaw ng hyper na si symphony.
“Saan ba ang karaoke dito?” tanong ko. Ngayun lang naman kasi ako nakapasok sa mall na to’ sa ibang lugar kasi ako pinag-aral ni dad ng Highschool, kaya eto’ nangangapa ako sa sarili kong lugar -_-“
“Sa taas! sa may palaruan! ^_^” sagot ni symphony.
Umakyat kami sa taas. hindi pa namin nakikita ang palaruang sinasabi ni symphony ‘rinig na namin yung kumakanta dun, public karaoke pala yun! Omegesh! Mapapalaban ata ako? Hahaha! Bihira lang ako kemente ene be? ‘Chusera.
Pumasok na kami sa loob nung gamestation kasama si ace.
“Ano game na? bili na tayo ng token! *u*” nagsalita nanaman ang makulet na babae.
“Sige! Lahat kakanta ah! Ang hindi kumanta kokotonggan ko!” sagot naman ni harmony.
Bumili na ng token si mey.
Ayan na! mukhang magkakalat kami dito ah. Ang daming tao syems.
*Lunok laway*
haha!
“TARA NA LET’S ROCK ‘N ROLL \m/” excited na sabi nung lukaret.
Pagdating namin sa harap ng karaoke umupo agad kami at kinuha agad nila yung songlist hahaha! Buti nalang umalis na yung kumakanta kanina, kami nalang lima ang kakanta. HAHAHA! Goodluck.
“Ako na ang mauuna!”
WOAH! Si Ace? Abaaaa Matinde! Ikaw na ace! Ikaw na malakas ang loob! =___=”
BINABASA MO ANG
Unfinished Song
Romance"Music is my Painkiller... my soul remedy, my happiness and the cause of my loneliness."